Masayang ibinahagi ng mag-asawang Lovely Abella at Benj Manalo sa kani-kanilang social media account ang isang napaka-laking blessing na natanggap ng kanilang pamilya ngayong taong 2021.
Image courtesy: Instagram/lovelyabella
Pinatunayan nila ang kasabihang “kapag may tiyaga ay may nilaga” dahil sa pamamagitan ng kanilang sipag sa online selling ay nabili nila ang kanilang dream house!
Image courtesy: Instagram/lovelyabella
Sa kabila nga ng pandemiya at krisis sa ating bansa ay naging daan ang BenLy’s online store para makamit ng mag-asawa ang isa sa kanilang mga pangarap para sa pamilya.
Image courtesy: Instagram/lovelyabella
Ito ay dahil na rin sa sipag at dedikasyon nilang mapalawak pa ang serbisyo nila sa mga netizens na mas gustong mamili ng mga produkto online. Dahil din sa diskarte at pagtutulungan bilang mag-asawa ay nagawa nina Lovely na mapalago ang kanilang negosyo at nakatulong pa sa kanilang mga resellers na gusto ring kumita.
Ilan lang sa mga ibinebenta nila ay mga branded na damit, bags, make-up at mga sapatos. Kahit nga may kamahalan ang presyo ay inuulan pa rin sila ng mga orders mula sa mga netizens.
Image courtesy: Instagram/lovelyabella
Kaya naman lubos na nagpapasalamat ang dalawa sa kanilang mga “zuki” na walang sawang sumusuporta sa kanilang online shop at patuloy na pagtangkilik sa kanilang mga ibinebentang produkto.
Image courtesy: Instagram/lovelyabella
Samantala, nagbigay naman ng pahayag si Benj sa mga negatibong komento na natatanggap nila mula sa ilang netizens na nagsasabing marami silang taga-suporta dahil pareho silang artista.
Ayon sa aktor, hindi biro ang pagiging isang online seller at lahat ng tinatamasa nila ngayon ay dahil sa pagtitiyaga nilang mag-asawa at hindi lang dahil sa impluwensiya na meron sila.
Image courtesy: Instagram/lovelyabella
Maraming pagkakataon nga na halos kulang sila sa tulog para lang maasikaso lahat ng mga orders at madalas ay inaabot pa ng mahigit apat na oras sa pagsasalita sa harapan ng camera para sa kanilang live selling.
Image courtesy: Instagram/lovelyabella
Para kay Lovely at Benj, ibinahagi nila ang kanilang kwento sa social media para magsilbing inspirasyon sa kapwa online sellers na kahit mahirap at madalas ay sinusubok ang kanilang pasensiya ay huwag silang sumuko at sa halip ay magpatuloy lang sa kanilang pagsusumikap na maabot ang kanilang mga pangarap.