Napakahirap nga naman ang pinagdaanan ng aktres na si LJ Reyes mula ng lumabas ang balita na tuluyan ng natapos ang six year relationship nila ni Paolo Contis. Masalimuot man ang naging hiwalayan nilang dalawa ay unti unti na ngayong nakabangon si LJ sa lahat ng hirap.
Image courtesy: Instagram/ljreyes
Lumipad sina LJ kasama ang kaniyang dalawang anak na si Aki at Summer sa New York upang magkaroon ng tyansa na makapagsimula muli sa kanilang panibagong buhay noon. Mahaba man ang proseso ng healing journey ni LJ ay hindi niya ito makakaya kung hindi dahil sa kaniyang dalawang anak.
Image courtesy: Instagram/ljreyes
Ayon nga sa mga Instagram posts ni LJ, isang priority niya bukod sa mga bata ay ang kaniyang sarili sa ngayon dahil napaka importante sakaniya ang self-love upang makamit ang better version ng kaniyang sarili.
Image courtesy: Instagram/ljreyes
“On my journey to finding a better version of myself! It’s not easy at all. Defintely not. Self-care/Self-love is a bit thin when you have two other lives depending on you. Along the way, I have received messages and talked to people with similar experience or even those with a different one but took all their might and faith to rebuild,” caption nito sa kaniyang post.
Image courtesy: Instagram/ljreyes
Image courtesy: Instagram/ljreyes
Marami itong naging support group at friends sa New York kaya naman isa ito sa mga bagay na nakatulong sakaniya para mas maging inspired siyang bumangon muli.
Bukod doon ay ineenjoy ngayon ni LJ ang kaniyang pag-stay sa ibang bansa kasama ang mga bata sa pamamagitan ng pag-travel sa mga tourist spots doon na matagal na niyang hindi nagawa.
Image courtesy: Instagram/ljreyes
Kasalukuyang nagta-trabaho sa New York ang aktres habang ang kaniyang anak naman kay Paulo Avelino na si Aki ay kasalukuyang nag-aaral din doon. Madalas din makasama ni LJ ang kaniyang Nanay at kapatid na mayroong sariling Cafe sa New York.
Image courtesy: Instagram/ljreyes
Ayon nga sa mga fans ni LJ, deserve daw nito ang happiness at freedom na kaniyang nararanasan ngayon. Malak man ang adjustment na nangyari sa kanilang buhay ay mas mabuti na siya ay nakalaya sa kaniyang past relationship.
Hugs to LJ Reyes, we wish you happiness and self healing!