Lian Paz, inamin na ni minsan ay hindi nakatanggap ng pinansyal na sustento kay Paolo Contis para sa kanilang mga anak

Pagdating sa pag-aalaga ng mga bata, responsibilidad ng bawat magulang na maibigay sa mga ito ang kanilang mga pangangailangan habang lumalaki. Kasama na dito ang pagmamahal at pag-aaruga pati na rin ang pagbibigay ng maayos na tahanan at pagkain sa araw-araw. Syempre hindi rin mawawala ang pagbibigay nila ng magagandang payo at tamang edukasyon na magagamit nila sa pag-abot ng kanilang pangarap.


Image courtesy: Instagram/Paolo_Contis




Ngunit nakakalungkot isipin na hindi lahat ng mga bata ay nakakaranas ng tamang pagkalinga at suporta mula sa kanilang magulang lalo na kung nagkahiwalay ang mga ito. Tulad nalang ng nangyari noon sa relasyon nina Lian Paz at Paolo Contis.


Image courtesy: Instagram/Paolo_Contis

Nagkaroon sila ng dalawang anak na sina Xonia at Xylene ngunit hindi nagtagal ay nagkahiwalay rin ang kanilang landas. Naiwan kay Lian ang dalawang anak at simula noon ay siya na ang nag-alaga sa mga ito.


Image courtesy: Instagram/liankatrina

“Sad to say wala,” ito ang diretsahang sagot ni Lian sa tanong kung mayroon bang komunikasyon at suportang pinansyal na ibinibigay ang dating aktor para sa kanyang dalawang anak. Muli ring binalikan ng aktres ang mga pinagdaanan niyang hirap noon habang pinapalaki ang mga bata lalo na at nawalan rin siya noon ng trabaho.


Image courtesy: Instagram/liankatrina




Umabot pa sa punto na gusto na niyang kumuha ng abogado para matulungan siya sa kanilang sitwasyon ngunit hindi pumayag si Paolo at sinabing aayusin na lang nila ito privately.


Image courtesy: Instagram/Paolo_Contis

“Noong naghiwalay kami, wala akong trabaho. As in, zero talaga.”,dagdag pa ng aktres.

Akala ni Lian ay tutupad ang aktor sa kaniyang mga binitiwang salita ngunit ni minsan ay wala daw itong naibigay para sa kanilang anak na sina Xonia at Xylene. Sa ngayon ay masaya ang aktres dahil sa awa ng Diyos ay nalagpasan niya ang pinagdaanang mga pagsubok.




Image courtesy: Instagram/liankatrina

Sa tulong ng kaniyang mga mahal sa buhay at partner na si John Cabahug ay napalaki niya ng maayos ang mga anak at ngayon nga ay graduate na ng high school ang panganay na si Xonia.


Image courtesy: Instagram/liankatrina

Samantala, sobrang nagpapasalamat si Lian kay John dahil wala itong sawa sa pagpaparamdam kung gaano siya kahalaga pati na rin ang kanilang mga anak. Masaya ito na hindi lamang daw siya ang kaniyang tinanggap kung hindi pati na rin ang mga bata na tinuring niya parang kaniyang mga totoong anak.


Image courtesy: Instagram/liankatrina




Ang pagkakaroon ng pinansyal na suporta sa anak ay isang importante at legal na aksyon na kinakailangan gampanan ng bawat magulang. Marami sa ating mga kababayan na nakakaranas ng ganitong sitwasyon kung saan walang ibinibigay o hindi sapat ang pinansyal na suporta ng isang magulang, kaya naman ang iba ay talagang idinadaan nila sa legal na pamamaraan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *