Nag-umpisang makilala ang aktres na si Jennylyn Mercado nang sumali siya sa isang talent show ng Kapuso network na “StarStruck”. Sa huli ay isa siya sa mga hinirang na “Ultimate Survivor” at ito ang naging simula ng kaniyang makulay na mundo sa show business.
Image source: Instagram/mercadojenny
Sa totoong buhay ay masasabi ring survivor ang aktres dahil mag-isa niyang pinalaki ang anak niya sa dating partner at aktor na si Patrick Garcia. Noong una ay aminado ang aktres na hindi madali ang pagiging isang single-mom lalo na at siya lang mag-isa ang kumakayod para mabigyan ng magandang buhay ang anak na si Alex Jazz.
Image source: Instagram/mercadojenny
Maliban sa mga pangunahing pangangailangan ng anak ay kinakailangan pang sumailalim nito sa ilang mga therapy upang mas lalong mapabuti. Ngunit sa kabila ng pagsubok na ito ay naging inspirasyon ni Jennylyn ang anak at mas lalo pang pinagbuti ang kaniyang trabaho.
Image source: Instagram/mercadojenny
Image source: Instagram/mercadojenny
Sa katunayan, simula ng dumating si Jazz noong ika-16 ng Agosto taong 2008 ay grabeng pagpapala ang kaniyang natatanggap hindi lamang sa trabaho kundi maging sa iba pang aspeto ng buhay kaya naman doon na nagsimula na magkaroon ito ng motibasyon para pagbutihan.
Image source: Instagram/mercadojenny
Ngayon ay labin-dalawang taon na si Jazz at base sa mga ibinabahaging larawan ng aktres sa social media ay hindi maikakaila ang pagiging magandang lalaki nito. Marami ngang netizens ang kinilig nang makita si Jazz at sinabing hawig na hawig ito sa kaniyang Ina. Matangos ang ilong at magka-parehas sila ng mata ng aktres.
Image source: Instagram/mercadojenny
Maputi at matangkad rin si Jazz para sa kaniyang edad kaya naman hindi nakakapagtaka na marami ang nagsasabing artistahin ang kaniyang dating ang hinihintay na balang araw ay sundan nito ang yapak ng kaniyang Ina.
Image source: Instagram/mercadojenny
Proud na proud naman si Jennylyn sa kaniyang anak at suportado nito ang anumang hilig nitong gawin. Sa katunayan, pinapayagan na ng aktres ang ilang paglabas ng anak sa telebisyon kagaya na lamang ng pagkakaroon nito ng mga endorsement.
Image source: Instagram/mercadojenny
Samantala, bukas naman ang aktres sa mga netizens na humihingi ng payo kung papaano nila makakayanan ang pagiging isang single-mom dahil siya rin ay nakaranas ng hirap sa pagiging isang single parent na nagtaguyod sa kaniyang anak.
Image source: Instagram/mercadojenny
Sa isa ngang panayam ay ibinahagi ni Jennylyn na naglalaan talaga siya ng panahon sa social media para ibahagi ang kaniyang personal na karanasan sa mga kapwa ina upang magsilbing inspirasyon sa kanila.