Malayo na ang narating ng aktres na si Neri Miranda sa kaniyang buhay ngayon bilang isang negosyante at Nanay sa kaniyang isang anak sa asawang si Chito Miranda. Nagsimula lamang siya noon mangarap na magkaroon ng maliit na pagkakaabahalan subalit hindi nito inakala ngayon na napakarami na niyang na-achieve sa kaniyang buhay bilang isang entrepreneur.
Image source: Instagram/mrsnerimiranda
Mula sa pinakamababa ay naranasan lahat ni Neri ang hirap sa pagpupundar ng sariling negosyo sapagkat ni minsan raw ay hindi ito humingi ng puhunan sa kaniyang asawa at hindi lumaki lamang ito sa hirap. Ang mga naipon nitong pera sa kaniyang mga proyekto noon sa industriya ay siyang kaniyang ginamit para abutin ang kaniyang mga pangarap ngayon.
Image source: Instagram/mrsnerimiranda
Nagsimula ito sa paggawa at pagbenta ng kaniyang mga ‘gourmet tuyo’ gamit ang kaniyang naipon na pera sa pagbenta ng kaniyang lumang mga damit at bags. Nang ito ay pumatok sa mga tao ay doon na mas lalong lumakas ang loob ni Neri na sumubok ng iba’t ibang negosyo na kaniyang naiisip.
Image source: Instagram/mrsnerimiranda
“Hindi ako takot. Nagstart ako sa walang wala talaga. Kaya ano pa ba ang kakatakutan ko nung nagsisimula ako sa negosyo? Laki ako sa hirap, nangangarap ng malaki pero alam kong hindi imposibleng makamit. Realistic naman ang mga pangarap ko pero hindi lahat madaling gawin. Pero dahil sa sipag at tyaga, naitatawid din.”
Image source: Instagram/mrsnerimiranda
Dahil sa lumalaki na ang kaniyang gourmet tuyo na negosyo ay binilhan ni Chito ang kaniyang asawa ng isa pang bahay upang palawakin ang kaniyang tuyuan. Subalit imbes na gamitin nila ang bahay na iyon ay napagdesisyunan ni Neri na ayusin at parentahan na lamang ito upang makadagdag sa kanilang kita.
Image source: Instagram/mrsnerimiranda
Image source: Instagram/mrsnerimiranda
Pagdating sa kasi sa aktres ay sa tuwing mayroon itong maiisip na ideya ay talagang ipupursige niya ito at hindi siya titigil hanggat hindi nagagawa ang kaniyang gusto. Kung sakali man na hindi pumatok ay hindi ito natatakot, bagkus alam niyang isang lesson lamang ito o pagsubok.
Image source: Instagram/mrsnerimiranda
“Kapag may maisip akong business idea, yung kikiligin ako everytime na maiisip ko yung idea na yun, para sa akin, magandang sign yun na ituloy ko. At talagang ginagawa ko, di ako natatakot na subukan. Syempre di ko iniisip na magfail ang idea ko, pero kung di man magwork, at least alam ko na may lesson akong natutunan.”
Hanggang sa tuluyan ng nakaipon ang aktres at nagtayo ng kaniyang ukay-ukay, bakeshop at nagsimulang magbenta ng kaniyang beddings at sleepwear. Lahat ng ito ay lumago dahil na rin sa pagbabahagi niya sa kaniyang success story sa kaniyang social media accounts.
Image source: Instagram/mrsnerimiranda
“Fear ang unang tatalo sa atin. Kapag walang execution, hanggang pangarap lang yan. Sayang naman kung di’ mo susubukan. Magtiwala ka sa sarili mo na kaya mo. Importante yan. Kahit ano pa ang sabihin ng iba na di ka magiging successful, na babagsak ka lang, push yourself more. Patunayan mo sa sarili mo na kaya mo. Wala kang kailangang patunayan sa kanila. Sa sarili mo lang.”
Image source: Instagram/mrsnerimiranda
Katulad ni Neri, hindi lahat sa atin ay nabiyayaan ng magandang buhay kaya payo ng aktres na dapat matuto tayong lumaban at maging malakas pagdating sa laban ng buhay.
“Ang tanong mo lang dyan, bakit hindi mo pa na uumpisahan ang pangarap at plano mo sa buhay? Walang pera? Mag ipon! Walang alam? Mag-aral! Takot? Parte yan! Mahirap? May madali ba sa buhay? Maghanap ng solusyon, bawal na ang excuses kung talagang gusto mong umasenso sa buhay. Kung kaya ng iba, mas kaya mo!” ito ang magandang payo ni Neri sa kaniyang mga tagasuporta.
Image source: Instagram/mrsnerimiranda
Image source: Instagram/mrsnerimiranda
Ngayon ay marami ng naipundar na investments ang aktres at nakabili na rin ng sarili niyang condominium at rest house na kaniyang ipaparenta upang mas lumago ito.