Isang napakagandang balita para sa mga Kpop at Kdrama lovers, nagsimula ng magbukas ang turismo sa South Korea ngayong taon matapos ang napakatagal na panahon dulot ng pandemya.
Image courtesy: Instagram/itskylinealcantara
Kaya naman napakaswerte ng aktres na si Kyline Alcantara sapagkat isa siya sa mga korean lovers na nakasubok makapag-travel sa South Korea ngayon!
Image courtesy: Instagram/itskylinealcantara
Kasalukuyan ngang nag-eenjoy at nagbabakasyon ngayon ang aktres doon dahil siya ang itinanghal na Ambassador ng South Korean Tourism. Nagsimula ang kaniyang pagiging Ambassador noong itinanghal siya ng Korean Tourism Organization Manila Office noong April 2022.
Image courtesy: Instagram/itskylinealcantara
Kaya naman sa muling pagbubukas ng turismo doon ay kauna-unahang nakapunta si Kyline upang mag-sh00t ng kanilang tourism ad and campaign kasama ang kaniyang glam team.
Image courtesy: Instagram/itskylinealcantara
Ibinahagi mismo ni Kyline ang kaniyang South Korea trip sa kaniyang Instagram account kung saan talaga namang inggit na inggit ang mga netizens dahil nakapunta ito sa South Korea at nakapasyal pa sa mga kilalang pasyalan doon kung saan ginanap ang ilang mga sikat na Kdrama scenes.
Image courtesy: Instagram/itskylinealcantara
Image courtesy: Instagram/itskylinealcantara
Bukod doon ay hindi din nagpakabog si Kyline sa kaniyang mga outfits dahil very classy and fabulous ang mga OOTD nito. Kilala kasi ang South Korea bilang isa sa thriving na global fashion market na bansa kaya importante na aesthetically pleasing ang kaniyang mga photoshoot lalo na at Ambassador siya ng turismo doon.
Image courtesy: Instagram/itskylinealcantara
llan sa kaniyang mga napuntahang lugar ay ang Busan, South Korea kung saan isa ito sa pinakasikat na lugar doon na talaga namang maraming turista ang nagbabalak na makapunta at makapag-travel bago pa man magsimula noon ang pandemya.
Image courtesy: Instagram/itskylinealcantara
Image courtesy: Instagram/itskylinealcantara
Bukod nga sa kaniyang mga photoshoot para sa kaniyang tourist campaign ay nakapag-foodtrip din si Kyline sa Busan at nakasubok ng mga kilala at best street foods doon.
Image courtesy: Instagram/itskylinealcantara
Image courtesy: Instagram/itskylinealcantara
Kasama ang kaniyang glam team ay very happy si Kyline dahil napuntahan niya ang ibang mga sikat na South Korean tourist spots doon at nakapasyal ng malaya habang hindi pa dinadagsa ng turismo ang bansa.
Image courtesy: Instagram/itskylinealcantara
Image courtesy: Instagram/itskylinealcantara
Nakakakilig at nakaka excite nga naman na muling nagbukas ang turismo sa South Korea! Para sa mga naging korean lovers dyan magmula noong pandemic ay ito na ang inyong pagkakataon para. makapunta sa ‘Land of the Morning Calm, South Korea’!