Kylie Padilla, Inamin na maayos na muli ang friendship nila ng kaniyang Ex-Partner na si Aljur Abrenica

Kahit na napakahirap at napakabigat ang napagdaanan ni Kylie Padilla sa kaniyang ex-husband na si Aljur Abrenica, lakas loob na muling bumangon ang aktres para sa kaniyang dalawang anak at nagtagumpay na magkaroon ng panibagong simula ang kanilang buhay.  Ganoon pa man, walang pinagsisisihan ang aktres dahil naniniwala siya na lahat ng nangyayari ay mayroong dahilan at leksyon na itinuturo sa kanila.


Image courtesy: Instagram/kylienicolepadilla



Para sa kaniya malaki ang naitulong nito para mas lalo niyang makilala ang sarili at malaman kung ano ba talaga ang tunay na magpapasaya sa kaniya. Hindi nga siya nagtanim ng sama ng loob sa dating asawa at sa halip ay sinubukang unawain ang sitwasyon.


Image courtesy: Instagram/kylienicolepadilla



Sa katunayan, makalipas ang halos isang taon ay kusa nalang humilom ang mga sugat at inamin niya sa publiko na ngayon ay okay na sila ng aktor.

“We’re friends, we’re good na. Surprisingly, okay na in a year”, ito ang pahayag ni Kylie sa interview niya kay Nelson Canlas.





Image courtesy: Instagram/kylienicolepadilla

Ayon kay Kylie, hindi pa rin mawawala ang pagmamahal niya kay Aljur lalo na at matagal rin silang nagsama. Ito raw ang klase ng pagmamahal na handa mo siyang bitawan dahil alam mong doon siya mas magiging masaya.


Image courtesy: Instagram/kylienicolepadilla

“I never want to see him as sad as he was when we were married”,dagdag pa ng aktres.


Masaya si Kylie na okay na sila ng ex-partner niya at sa ngayon nga ay mas naalagaan nilang pareho ang dalawa nilang anak sa pamamagitan ng co-parenting. Naglalaan din ng oras ang aktor para bumisita sa mga bata at minsan nga ay namamasyal rin sila sa labas. Sa ganitong paraan ay lalong nakikita ng aktres na posible pa rin pala ang maging masaya kahit na hindi na sila magkasama sa iisang bahay bilang mag-asawa.


Image courtesy: Instagram/kylienicolepadilla




“Nakakalungkot man na hindi na buo ang pamilya namin, but kung ang kapalit nun is we take care of our kids better kasi we’re happier, it’s okay.” kwento pa ni Kylie


Image courtesy: Instagram/kylienicolepadilla
Image courtesy: Instagram/kylienicolepadilla



Para nga sa aktres ang mahalaga sa kaniya ngayon ay lumaking maayos ang kaniyang mga anak at makita nila na magkaibigan pa rin sila ng kanilang Ama kahit na mayroong nangyaring hindi pagkakaunawaan noon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *