Kris Bernal, ibinahagi ang mga challenges sa pag asikaso ng kaniyang Wedding dahil sa pabago bagong sitwasyon

Kanselado ngayon ang engrandeng kasal ng aktres na si Kris Bernal sa kaniyang life at business partner na si Perry Choi. Last year pa sila nagkaroon ng wedding planning para sa dapat sana ay kasal ngayong May 2021 ngunit dahil sa kasalukuyan na sitwasyon sa bansa ay hindi na ito matutuloy.


Image source: Youtube/Kris Bernal

Ayon sa ginawang Youtube vlog ng aktres, back to zero sila sa pagpaplano at humingi na nga ng tulong sa tatlong eksperto pagdating sa wedding planning.


Image source: Instagram/Kris Bernal

Mas gusto kasi ni Kris na magsimula muli sa umpisa dahil iba na ang panahon ngayon at maraming protocols na dapat sundin. Ilan na dito ang bilang ng mga taong dadalo pati na rin ang lugar kung saan niya gustong ikasal.


Image source: Instagram/Kris Bernal

Una nga sa naging challenge nila ay ang reservation ng wedding venue. Nahirapan silang makahanap ng simbahan kaya naman hindi rin sila makabuo ng team na magiging organizer at designer ng lugar.


Image source: Instagram/Kris Bernal

Kailangan din nilang i-consider ang dami ng mga guest na dadalo sa ceremony at ayon nga sa event planner na si Kim Torres, hanggang 50 guests ang alam niya lamang na maaaring payagan basta malawak ang lugar at napapanatili pa rin ang social distancing.


Image source: Instagram/Kris Bernal

Maganda nga ang ganitong set-up dahil mas nagiging intimate ang kasal at mas relaxed lang ang dating kumpara sa mahigit isang daan na guests.


Image source: Youtube/Kris Bernal

Kasama rin sa naging challenge sa wedding planning ng aktres ang swab test schedule para sa lahat ng dadalo sa kanilang kasal. Hindi naman ito required pero para na rin sa kaligtasan ng lahat ay kailangang pagdaanan ang ganitong procedure.


Image source: Instagram/Kris Bernal

Samantala, hindi naman halos nagbago ang budget ng dream wedding nina Kris at Perry dahil ayon sa florist na si Gideon Hermosa, ganoon pa din ang presyo ng photo at video coverage.


Image source: Instagram/Kris Bernal

Pwede pa ngang maka-save ang couple dahil may ibang venue na hindi pumapayag magpalagay ng ceiling decorations. Hindi rin magiging problema ang catering at sa katunayan ay makaka-discount pa sila dahil per head ang food expenses.


Image source: Youtube/Kris Bernal

Talaga namang hindi biro ang pagpapakasal ngayong panahon ng pandemic at kahit mga kilalang celebrity tulad nina Kris Bernal ay nahihirapan din. Ngunit sa kabila nito ay payo ng mga eksperto na dapat maging maunawain tayo sa sitwasyon lalo na at hindi natin alam kung ano ang mangyayari sa mga susunod na araw.


Image source: Instagram/Kris Bernal

Sa ngayon nga ay naka-focus muna sina Kris at Perry sa kanilang dream house at plano nilang matapos ito bago ang kanilang dream wedding.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *