Malaki ang naging epekto ng pandemiya sa bawat isa sa atin at maging ang buong mundo ay apektado rin sa malawakang krisis na ito. Karamihan sa mga kumpanya ay nagsara dahil sa pagkalugi samantalang ang ilan naman ay pinagbawalan ng gobyerno bilang parte na rin ng sinusunod nating protokol.
Image source: Instagram/ategay08
Isa na rito ang mga lugar kung saan madalas magkumpulan ang mga tao kagaya ng “comedy bar”. Kaya naman isa ang kilalang komedyante at impersonator na si Ate Gay sa libu-libong kababayan natin na noon ay nawalan ng trabaho.
Image source: Instagram/ategay08
Ganoon pa man, hindi tumigil si Ate Gay sa pagpapasaya ng mga tao at agad ngang naka-isip ng paraan kung papaano niya ito magagawa habang kumikita. Nagtayo siya ng sariling kainan na tinawag niyang “Siomai Himala” hango na rin sa pelikulang “Himala” na pinagbidahan ng ginagaya niyang batikang aktres na si Nora Aunor.
Image source: Instagram/ategay08
Image source: Instagram/ategay08
Sa umpisa ay siomai lang ang ibinebenta ni Ate Gay ngunit di nagtagal ay nagkaroon na rin siya ng iba pang pagkain na talaga namang patok sa masa kagaya na lamang ng fried rice, pancit, at noodle soup. Maliban kasi sa masarap ay sulit na sulit ito sa napakamurang halaga.
Image source: Instagram/ategay08
Image source: Instagram/ategay08
Binabalik-balikan ang pwesto niya sa Tondo, Manila dahil madalas nandoon ang komedyante para magbigay ng libreng kasiyahan sa mga kumakain. Marami nga ang naaliw sa mga ginagawang patawa ni Ate Gay at ito naman ang siyang ikinatuwa ng komedyante.
Image source: Instagram/ategay08
Hangad niya kasi ang makapagbigay ng saya sa mga tao lalo na at marami ang nanlulumo dahil sa kaliwa’t kanang problema ng buhay.
Image source: Instagram/ategay08
Malakas man ang kita ay napilitang magsara ng negosyo ang komedyante dahil na rin sa tawag ng trabaho. Muli nang nagkaroon ng sunod-sunod na projects si Ate Gay kaya naman mabigat man sa loob ay kinailangan niyang gawin ang desisyong ito. Ayon pa sa kaniya, wala o bibihara na daw kasi ang mga taong kumakain sa kanilang pwesto kapag wala siya doon.
Image source: Instagram/ategay08
Image source: Instagram/ategay08
Image source: Instagram/ategay08
Tunay ngang maraming paraan ang maari nating gawin upang makatulong tayo sa ating kapwa na mapagaan ang mga pinagdadaanan nilang pagsubok sa buhay.