Isa si Kiray Celis sa pinaka maswerteng batang artista sa industriya sapagkat mula ng ilang taon pa lamang ito ay sumikat na siya at hanggang ngayon ay kilalang kilala na siya sa media.
Image source: Instagram/Kiray Celis
Bukod nga sa kasi galing niya sa pag-arte ay kwela ito kaya naman marami ang nagulat ng ibahagi niya ang isang youtube vlog kung saan ibinahagi niya na kanila ang rest house na ito sa Tagaytay subalit sa huli ay isa lamang pala itong prank at wala naman talaga siyang nabiling bahay dito.
Image source: Youtube/Kiray Celis
Kaya naman sa una palang ng kaniyang vlog ay ipinakita na ni Kiray ang bawat sulok ng bahay na inakala ng mga netizens ay kaniyang nabili.
Image source: Youtube/Kiray Celis
Sa video ay makikita na talaga namang napakalaki ng bahay at mayroon itong tatlong palapag. Pagpasok sa pintuan ay isang malawak at maaliwalas na hallway ang sasalubong sa mga bisita at makikita dito ang dalawang malalaking painting na nakasabit sa pader.
Image source: Youtube/Kiray Celis
Image source: Youtube/Kiray Celis
Napakaganda ng rest house na ito dahil bukod sa maaliwalas ay marami itong rooms kung saan pwedeng kumasya ang mahigit 20 na katao.
Image source: Youtube/Kiray Celis
Image source: Youtube/Kiray Celis
Nasa ikatlong palapag naman ang dining at kitchen area kung saan makikita ang kaniyang ina na naghahanda ng pagkain. Mayroon din itong entertainment area , malaking sofa, TV at play area para sa kaniyang mga pamangkin.
Image source: Youtube/Kiray Celis
Image source: Youtube/Kiray Celis
Samantala, paglabas ng terrace sa ikatlong palapag ay matatanaw ang napakagandang tanawin ng Tagaytay. Talaga namang napakasarap magrelax dito dahil sa preskong simoy ng hangin at ang overlooking view ng Taal Volcano.
Image source: Youtube/Kiray Celis
Image source: Youtube/Kiray Celis
Mayroon din itong open space sa itaas ng bahay para sa mga bisitang nais magpicture taking sa isang hagdan na tila papunta sa langit ang disenyo. Ang bahay na ito ay tinatawag na Chill Chill house na matatagpuan sa Tagaytay City.
Image source: Youtube/Kiray Celis
Image source: Youtube/Kiray Celis
Bago matapos ang vlog ay sinabi ni Kiray na isa lamang itong prank at nirentahan lamang nila ang bahay na ito upang maipakita sa mga netizens ang ganda ng rest house na ito. Ipinaparenta ang bahay na ito sa publiko para sa mga pamilyang nais magkaroon ng bakasyon na malayo sa polusyon ng siyudad.