Para sa kanilang romantic weekend getaway ay isinama ni Xian Lim ang kasintahang si Kim Chiu sa mala-paraiso at napakamahal na resort sa isla ng Balesin kung saan mga kilalang personalidad at may kaya sa buhay lamang ang makaka-afford sa ganitong bakasyon.
Image source: Instagram/chinitaprincess
Image source: Instagram/chinitaprincess
Kakaiba ang getaway na ito sapagkat sa loob ng dalawang araw sa isla ay hindi lamang sila basta namasyal at nag swimming. Sinigurado ni Xian na mayroon silang susundin na wellness program upang mabawasan ang kanilang stress at ma-relax ang kanilang pangangatawan.
Image source: Youtube/Kim Chiu Ph
Image source: Youtube/Kim Chiu Ph
Sa katunayan, pagdating pa lang sa resort ay mayroon na agad free healthy drink para sa mga turista ng Balesin. Napaka sosyal nga naman kung iisipin at mala-VIP ang kanilang trato sa kanilang mga customers dahil pagpasok pa lamang sa resort ay siguradong welcome na ang mga bisita.
Image source: Youtube/Kim Chiu Ph
Bilang parte ng kanilang weekend wellness, pinuntahan nila ang mini-zoo ng resort kung saan makakatulong ang interaction with animal sa mga turistang nais magkaroon ng peace of mind.
Image source: Youtube/Kim Chiu Ph
Mayroon rin iba’t ibang mga activities sa Balesin na maaaring subukan ng mga bakasyonista. Isa na dito ang Archery na sinubukan nilang gawin at para bang sanay na sanay dito ang aktor na si Xian.
Image source: Youtube/Kim Chiu Ph
Nagkaroon din sila ng pagkakataon na ma-enjoy ang swimming sa kakaibang swimming pool ng resort na mayroong “filtered salt-water” na galing sa dagat. Nakakatulong daw kasi ito para ma-relax at matanggal ang negative vibes ng katawan lalo na kung stress na ang isang tao.
Image source: Youtube/Kim Chiu Ph
Image source: Youtube/Kim Chiu Ph
Isa ring magandang parte ng Balesin ay ang kanilang best sunset view sa Bali Village na pinuntahan ng dalawa upang mag-relax at dito manood ng sunset.
Image source: Youtube/Kim Chiu Ph
Image source: Instagram/Kim Chiu Ph
Dito na rin sila nagpalipas ng gabi at nakisaya sa party ng kanilang kaibigan. Kinaumagahan ay sinimulan nila ang yoga class na ginawa sa itaas ng Aegle Wellness Center kung saan matatanaw mo ang napaka-gandang karagatan.
Image source: Youtube/Kim Chiu Ph
Image source: Youtube/Kim Chiu Ph
Bago umuwi ay sinubukan rin ng magkasintahan ang tinatawag na Thalasso therapy kung saan para ka na ring nagpamasahe habang nakababad ka sa “salt-water pool” at massage pool.
Image source: Youtube/Kim Chiu Ph
Ang pressure nito ay maganda para guminhawa ang iyong katawan at pakiramdam. Pinaniniwalaan din na ang ganitong gawain ay nakakatulong upang maging maayos ang pagdaloy ng dugo sa ating katawan.
Image source: Youtube/Kim Chiu Ph
Talaga namang napaka-sweet ni Xian kaya naman sa isang Instagram post ni Kim ay hindi nito napigilang magbiro at sinabing gagawin na nilang linggo-linggo ang pamamasyal sa magagandang isla sa ating bansa.
Image source: Youtube/Kim Chiu Ph
Sobrang swerte nga naman ng dalawa sapagkat sila ay may pribilehiyong makapunta sa isang napakaganda at napaka sosyal na lugar na hindi iniisip ang gagastusin.
Image source: Youtube/Kim Chiu Ph
Mapapa “sana all mayaman” ka nalang talaga!