Kilalanin si Magui Ford, ang beauty and brains na anak ni Karla Estrada at kapatid ni Daniel Padilla

Hangarin ng bawat magulang na mabigyan ng magandang edukasyon ang kanilang anak upang maging handa ito sa anumang hamon ng buhay na kaniyang haharapin.


Image source: Instagram/karlaestrada1121

Kaya naman, ganoon na lamang ang saya ng Queen Mother at dating aktres na si Karla Estrada nang malaman niyang nakapasok sa isang prestihiyosong paaralan si Margaret Ford Planas, ang anak niya sa dating Quezon City Councilor na si Mike Planas.


Image source: Instagram/karlaestrada1121


Image source: Instagram/magsford

Bukod sa napakaganda ng aktres ay marami ang humanga sakaniya mula ng malaman nila na nakapasok ito sa isang napakagandang eskwelahan sa Australia.


Image source: Instagram/magsford

Sa kaniyang social media posts ay makikitang proud na proud si Karla sa naging achievement ng anak lalo na at tinaguriang “Australia’s number one university” ang University of Melbourne na siyang papasukan ni Magui sa kolehiyo.


Image source: Instagram/magsford

Samantala, hindi ito ang unang pagkakataon na naging proud si Karla sa kaniyang anak na si Magui lalo na at marami itong talento kagaya na lamang ng pagtugtog ng iba’t ibang instrumento tulad ng piano at gitara.


Image source: Instagram/magsford

Nagsusulat rin ito ng mga kanta kagaya ng kaniyang kuya na si Daniel Padilla. Bilang isang teenager ay mahilig din si Magui sa TikTok at KPop music.


Image source: Instagram/magsford

Sa katunayan ay tinatawag niya ang sarili na isang “BTS army”. Hindi man pinasok ang mundo ng showbiz kagaya ng ina ay madalas siyang maging laman ng usap-usapan at nagkaroon rin ng maraming taga-hanga.


Image source: Instagram/karlaestarada1121


Image source: Instagram/magsford

Sa kabila ng pagiging abala sa kaniyang mga hilig at libangan ay sinisigurado ni Magui na maayos ang kaniyang mga grado sa paaralan kaya talaga namang saludo ang aktres sa talino at diskarte na taglay ng anak.


Image source: Instagram/magsford

Noon ngang nakaraang taon ay nagtapos ito ng Senior High School at kahit sa bahay lang ginawa ang graduation ceremony ay ramdam ni Magui ang saya at excitement sa bagong yugto ng kaniyang buhay dahil alam niyang suportado ng buo niyang pamilya ang anumang bagay na nais niyang gawin at abutin.


Image source: Instagram/magsford


Image source: Instagram/magsford

Sa kasalukuyan ay abala ang dalaga sa paglalaan ng oras sa kaniyang pamilya dahil tiyak na hahanap-hanapin niya ito kapag tuluyan na siyang nanirahan sa ibang bansa. Kaliwa’t kanan rin ang natanggap niyang mensahe mula sa mga fans at kaibigan na tuwang-tuwa sa magandang balita.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *