Bilang isang magulang pangarap natin ang matupad ang pangarap ng ating mga anak. Kahit ano man ang gustuhin nila ay siguradong ating dapat suportahan. At siyempre ikatutuwa rin natin kung ang makahiligan ng ating anak ay ‘yong mga kinahiligan natin.
Image courtesy: Kiana Valenciano
Tulad nalang nga ng anak ni Gary Valenciano na si Kiana Valenciano. Si Kiana ang bunsong anak ng batikang mang-aawit. Hindi mo rin maitatanggi na dahil sa kaniyang ama kaya nahilig din sa pagkanta ang dalaga.
Image courtesy: Kiana Valenciano
Image courtesy: Gab Valenciano
Sa kaniyang murang edad ay nakagawa na siya ng kaniyang mga sariling kanta. Nakapag-tanghal na rin siya sa ibang bansa. Hindi lang sa pagkanta magaling ang dalaga kung hindi pati na rin sa fashion ay magaling din ito. Sa katanuyan ay nakapagtapos siya ng pag-aaral sa pagfafashion sa ibang bansa.
Image courtesy: Gab Valenciano
Nakaraang buwan nga ay lumipad paputang US ang dalaga para sa kaniyang trabaho. Naging emosyonal naman ang kaniyang pamilya sa kaniyang pag-alis. Ibinahagi ng batikang mang-aawit na si Gary Valenciano ang kaniyang mensahe para sa pag-alis ng kaniyang unica hija.
Image courtesy: Kiana Valenciano
Makikita ang mensahe ni Gary V sa kaniyang Instagram account kalakip ang kanilang litrato na nasa airport. Ayon sa kaniyang mensahe na mamimiss niya ng sobra ang kaniyang anak. Sabi rin ni Gary V na magkikita ulit sila ngunit hindi niya ikakaila na hindi ito magiging madali para sa kanila. Ipinadama rin ng mang-aawit ang kaniyang pagmamahal sa kaniyang nag-iisang anak na babae at sinabi kung gaano niya ipinagmamalaki ang narating ng anak.
Image courtesy: Kiana Valenciano
Hindi rin naman nagpahuli ang kaniyang mga kuya na sina Gab at Paolo. Mensahe ng kaniyang kuya Gab na “Dearest baby sister, may all your wildest dream come true. No matter what happens, always remember your “why” and you will achieve wonders”. Dagdag pa ni Gab na ipinagmamalaki niya si Kiana at namimiss niya na raw agad si Kiana.
Image courtesy: Kiana Valenciano
Sabi naman ng kanilang panganay na si Paolo “Ninang Nana goes back to the States tonight”. Dagdag pa ni Paolo na isa raw sa masasayang araw nila ay noong naglockdown at nanirahan sa kanila si Kiana. “Gonna miss you, Love you” panapos na mensahe ni Paolo.