Kilalanin si Jessica Gutierrez, ang anak ng mag-asawang sina Lotlot De Leon at Ramon Christopher

Napag-usapan na natin sa mga naunang artikulo ang mga anak ng iba nating paborito at kilalang artista. Tayo ay namangha sa kanilang mga taglay na kagandahan at nagulat dahil doon pa lang natin nalaman na anak pala ito ng mga idolo natin.


Image courtesy: Jessica Gutierrez | Instagram

Napag usapan na din natin ang mga bagong panganak na mga artista at nasilayan ang kanilang mga nag-gagandahan at nag-gwagwapuhan na mga anak. Gayunpaman merong mga ibang artista na hindi natin alam ay may mga anak na hindi pumasok sa showbiz at namuhay na malayo sa kamera.


Image courtesy: Jessica Gutierrez | Instagram

Dahil noon ay hindi pa uso ang mga social media upang ibahagi ang kanilang mga litrato. Kung kaya ngayon palang natin nasilayan ang mga mukha at buhay ng mga ito. Tulad na lamang ng anak nina Lotlot De Leon at Ramon Christopher.


Image courtesy: Jessica Gutierrez | Instagram

Kilala natin ang iba sa mga anak ng dalawang beteranong artista at ito ay sina Janine Gutierrez, Diego Gutierrez na sa ngayon ay sinundan ang yapak ng kanilang mga magulang sa mundo ng Showbiz.


Image courtesy: Jessica Gutierrez | Instagram

Maliban sa dalawang anak ng artista na nasa showbiz ay mayroon pa silang dalawang anak na hindi pumasok sa mundo ng showbiz at ito ay sina Maxine Gutierrez at Jessica Gutierrez.


Image courtesy: Jessica Gutierrez | Instagram

Kung matatandaan na si Lotlot De leon ay anak ng dalawa ding beteranong mga artista na si Christopher De Leon at Nora Aunor samantala si Ramon Christopher naman ay anak ng kilalang singer na si Pilita Corrales at ni Eddie Gutierrez.


Image courtesy: Jessica Gutierrez | Instagram

Kung kaya mapapansin natin sa mga naging anak nina Lotlot at Ramon ay tila mga dayuhan ang mga ito dahil sa dugo na dumadaloy sa kanilang pamilya. Lalo na ang anak nilang si Jessica na ubod ng ganda at talino.


Image courtesy: Jessica Gutierrez | Instagram

Hindi man ito pumasok sa showbiz pero naging sentro ito ng atensyon ng mga netizen dahil sa taglay nitong kagandahan. Sa unang tingin di mo aakalain na ito ay Pilipino dahil sa kanyang mga mata na kulay asul.


Image courtesy: Jessica Gutierrez | Instagram

Mayroon din itong napakagandang buhok at natural na kulay brunette na kung saan madalas natin nakikita ang mga katangian na ito sa isang dayuhan. Si Jessica ay 28 taon gulang at nagtapos sa Ateneo de Manila University, madalas ang dalaga na pumunta sa ibat ibang lugar at kilala din ito na mahilig sa aso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *