Kilalanin ang Swiss Boyfriend ni Bela Padilla at ang muli nilang pagkikita

Sabi nga nila kapag ikaw ay umibig, hahamakin mo ang lahat masunod lamang ang iyong puso. Kahit na komplikado man ang lahat, kahit pa tutol ang lahat ay talagang ipaglalaban mo ang pag-ibig na mayroon ka.


Image Courtesy: Bela Padilla / Instagram

Isa sa mga madalas pagdaanan na pagsubok ng mga magkasintahan ngayon ay ang pagiging LDR o Long Distance Relationship. ‘Yon bang malayo kayo sa isa’t isa nang iyong minamahal.


Image Courtesy: Bela Padilla / Instagram

Tulad na nga lang ng artista na si Bela Padilla at ang kaniyang Swiss na nobyo. Isa na siguro sa dahilan kung bakit ang aktres na si Bela Padilla ay malayo sa kaniyang nobyo ay dahil magkaiba sila ng lahi. Pilipino si Bela Padilla at isang Swiss naman ang kaniyang nobyo.


Image Courtesy: Bela Padilla / Instagram

Kamakailan lang ay muling nagkita ang magkasintahan na sila Bela Padilla at kaniyang nobyo. Makikita ito sa mga post ng aktres sa kaniyang Instagram account. Matutunghayan mo rin kung paano nila sinusulit ang sarap ng sandali na sila ay muling nagkasama.

Noong nakaraang Linggo nga ay makikita na ipinost ni Bela Padilla sa kaniyang Instagram account ang isang litrato kung saan kasama niya ang kaniyang kasintahan na si Norman Bay. Iniikot nila ang isang magandang lugar sa Florence,Italy, ito ay ang Piazza del Duomo.


Image Courtesy: Bela Padilla / Instagram

Kalakip nito ang isang maikling mensahe na “Pamaypay in Italia’. Tinutukoy niya rito ang kaniyang hawak-hawak na pulang pamaypay na makikita sa isa sa mga litrato.


Image Courtesy: Bela Padilla / Instagram

Makalipas ang buwan nang ipakilala ni Bela Padilla ang kaniyang kasintahan sa publiko noong Oktobre taong 2020, naging madalas ang kanilang pagbabakasyon.


Image Courtesy: Bela Padilla / Instagram

Nagkakilala si Bela Padilla at Norman Bay noong Desyembre taong 2017, kung saan nagkaroon ng pelikula si Bela na “Meet Me in St. Gallen” at sa St. Gallen, Switzerland ito ginanap. Nanatili ang dalawa na magkausap ng ilang taon bago sila tuloyang maging magkasintahan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *