Kilalanin ang super pretty na anak nina Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado

Hindi man lubusang pumasok sa mundo ng show business ay unti-unti pa ring nakikilala ang angking galing at talento ng dalagang si Jayda Avanzado, ang unica-hija ng batikang singer na sina Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado.


Image source: Instagram/jayda

Sa katunayan, maliit pa lamang ay marami na ang nakasubaybay sa buhay ng dalaga lalo na at lumalaki itong taglay ang talento na namana niya sa kaniyang mga magulang. Bata pa lang ay kinakitaan na ito ng kakaibang galing sa pag-awit at sa katunayan ay sumasabak siya sa iba’t ibang kompetisyon kagaya ng Kapamilya show na “The Voice”.


Image source: Instagram/jayda


Image source: Instagram/jayda

Hindi man pinalad na masungkit ang grand prize ay nabigyan naman si Jayda ng pagkakataon na maipakita ang talento nang maimbetahan siyang mag-perform ng regular sa ASAP kasama ang singer na si Darren Espanto. Maliban sa pagkanta ay hindi maikakailang magaling ring sumayaw si Jayda at lubos ngang hinahangaan ng mga netizens ang kaniyang mga “dance moves” na ipinapakita niya rin sa kaniyang TikTok account.


Image source: Instagram/jayda


Image source: Instagram/jayda

Samantala, upang mahasa ang natural na talento sa pag-awit ay nag-enroll si Jayda sa Berkley College of Music at mas lalong minahal ang musika kagaya ng kaniyang mga magulang. Sa kabila nito ay hindi naman napapabayaan ni Jayda ang kaniyang pag-aaral at nagtapos ito nang mayroong natanggap na mga awards.


Image source: Instagram/jayda


Image source: Instagram/jayda

Maliban sa pagkakaroon ng maraming talento ay hinangaan rin ng mga netizens ang angking ganda ni Jayda at ang ilan nga sa kanila ay nag-komento na pwedeng-pwede itong mag-artista kagaya ng kaniyang mga magulang. Ang mga mata niya ay kahawig ng kay Jessa samantalang ang ilang parte ng kaniyang mukha ay nakuha naman niya sa ama.


Image source: Instagram/jayda


Image source: Instagram/jayda

Sa ngayon ay abala si Jayda sa paggawa ng mga music videos at kaliwa’t kanan na rin ang mga guestings na kaniyang ginagawa. Pinasok na din nito ang pagiging isang commercial model at sa lahat ng ito ay suportado siya ng kaniyang mga magulang.


Image source: Instagram/jayda


Image source: Instagram/jayda

Proud na proud nga ang mag-asawang Jessa at Dingdong sa nag-iisa nilang anak na si Jayda at ang tanging maipapayo lang nila dito ay ang pagiging mapagpakumbaba kahit na gaano man kataas ang marating niya sa buhay.


Image source: Instagram/jayda


Image source: Instagram/jessazaragoza

Kaya naman maraming netizens ang humahanga sakaniya sapagkat hindi lamang talento ang kayang ipakita ni Jayda, kung hindi maging ang kaniyang napakagandang mukha ay talaga namang agaw pansin sa media.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *