Kilalanin ang sobrang gandang girlfriend ni Joseph Marco na isang Professional Russian Model

Kitang-kita sa mga ngiti ng aktor na si Joseph Marco ang kakaibang saya na nararamdaman niya sa tuwing kasama ang bago niyang kasintahan na si Dasha Romanova, isang Russian Model.


Image source: Instagram/josephcmarco


Image source: Instagram/darjaromanova

Ipinakilala niya ito sa publiko noong nakaraang taon at sinabi pa nga na si Dasha ang kaniyang matagal ng hinahanap na “missing piece” sa kaniyang buhay matapos masubukan ang pagkakaroon ng iba’t ibang karelasyon.


Image source: Instagram/darjaromanova

Sa katunayan, gusto ni Joseph Marco na si Dasha na ang babaeng makakasama niya habang-buhay at ito rin ang kaniyang naging birthday wish sa katatapos lang na kaarawan noong October 4,2020.


Image source: Instagram/josephcmarco

Sa kani-kanilang Instagram account naman ay hayagang ibinahagi ng dalawa ang kanilang sweetness sa isa’t isa at marami ang nakapansin na kakaiba ang saya na meron sa mukha ang aktor sa tuwing katabi niya ang kasintahan.


Image source: Instagram/josephcmarco

Kahit na busy si Dasha dahil na rin sa kaniyang modelling projects ay madalas pa rin silang magbonding at mag-date sa tuwing sila ay may break sa kanilang mga trabaho.


Image source: Instagram/josephcmarco

Isa ngang professional model itong si Dasha at talaga namang bigating projects ang kaniyang mga nakukuha dahil mala-doll like ang kaniyang aura at sobrang flawless ng kaniyang katawan. Mula sa mga branded na damit hanggang sa mga make up brands ay na-eendorse na nga niya.


Image source: Instagram/darjaromanova


Image source: Instagram/darjaromanova

Wala na ngang ibang gusto ang aktor kung hindi ang makasama si Dasha araw-araw at gumawa ng magagandang memories habang namamasyal sa magagandang lugar. Kaya naman ganoon nalang ang lungkot na naramdaman niya matapos ang kaniyang pahinga at kailangan nang bumalik muli sa trabaho para sa lock-in taping ng bago niyang teleserye.


Image source: Instagram/darjaromanova

Ilan lamang sa magagandang lugar na napuntahan nina Joseph Marco at Dasha ay ang Cabangan, Zambales kung saan nagkaroon sila ng pagkakataon na makapag-bonding sa beach at ma-enjoy ang ganda ng mga tanawin.


Image source: Instagram/josephcmarco

Hindi rin mawawala ang palagian nilang date sa mga restaurants kung saan madalas ibahagi ito ng aktor sa kaniyang Instagram post.


Image source: Instagram/josephcmarco

Tila swerte nga naman si Joseph Marco dahil nakabingwit siya ng isang napakaganda at talentadong russian model na bagay na bagay naman sakaniya dahil sobrang matipuno at celeb-like ang kaniyang aura.


Image source: Instagram/darjaromanova


Image source: Instagram/darjaromanova

Para sakaniya ay si Dasha na ang kaniyang ‘everything’ at handa siyang magsakripisyo para maibigay ang kaligayahan ng kaniyang kasintahan at gagawin ang lahat ng makakaya upang maipakita ang kaniyang magandang intensyon para sa kaniya. Lubos ring nagpapasalamat ang aktor sa modelo dahil sa pagtanggap ng kaniyang pag-ibig at sa pagmamahal sa kaniya ng buong-buo.


Image source: Instagram/josephcmarco


Image source: Instagram/darjaromanova

Talaga namang inlove na inlove ngayon si Joseph Marco at ang tanging hiling ng marami ay magkatuluyan ang dalawa hanggang sa huli. Sa ganda ba naman si Dasha at sa gwapo ng aktor ay talaga namang bagay na bagay silang dalawa at tiyak na magkakaroon sila ng magagandang lahi kung sakali magsimula silang magsettle bilang isang pamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *