Kilalanin ang pinakabatang alkalde sa Pilipinas na si Arth Bryan Celeste at nobyo ng aktres na si Pauline Mendoza

Sa panahon ngayon ay masyado nang laganap ang paggamit natin ng social media na kung saan mabilis na lang tayo makasagap ng iba’t-ibang balita. Dahil din sa mga kaganapan nitong mga nagdaang buwan at taon, madami din tayong nakilalang iba’t-ibang Mayor ng ilang mga lugar na kung saan nakilala dahil sa kanilang galing sa pamamahala.


Photo Courtesy: Pauline Mendoza/Arth Bryan Celeste | Instagram


Photo Courtesy: Pauline Mendoza/Arth Bryan Celeste | Instagram

Karamihan sa mga nasabing pulitoko na ito ay ating ikinagulat dahil sa sobrang babata pa nito na hindi natin aakalain na kayang kaya nila ang mga ginagawa nila. Tulad na lamang ng Mayor ng Alaminos City, Pangasinan na si Mayor Arth Bryan C. Celeste.


Photo Courtesy: Pauline Mendoza/Arth Bryan Celeste | Instagram


Photo Courtesy: Pauline Mendoza/Arth Bryan Celeste | Instagram

Si Mayor Arth ay tinaguriang pinakabatang Mayor sa Pilipinas dahil siya ay 22 taong gulang pa lamang. Si Mayor Arth ay ipinanganak noong Hunyo 5, 1996 at nakapagtapos sa La Salle sa kursong Entrepreneurship. Siya din ay kilalang anak ng dating mayor ng Alaminos na si Arthur Celeste.


Photo Courtesy: Pauline Mendoza/Arth Bryan Celeste | Instagram


Photo Courtesy: Pauline Mendoza/Arth Bryan Celeste | Instagram

Bago pa man umano ito naging Alkalde ng alaminos ay naging barangay Captain muna ito. Makalaunan ay napag desisyunan niya na tumakbo bilang isang Mayor sa Alaminos at napagtagumpayan niya ito.


Photo Courtesy: Pauline Mendoza/Arth Bryan Celeste | Instagram

Tulad ng ibang hinahangaan nating Alkalde na sina Mayor Isko, Mayor Vico, at Mayor Donya Tesoro ay isa din siya sa napakagaling na alkalde na ginagawa ang lahat upang mapanatiling ligtas at mapaunlad ang kanyang nasasakupan. Ginagamit din niya ang social media upang maghatid ng kanyang mga anunsyo sa publiko.


Photo Courtesy: Pauline Mendoza/Arth Bryan Celeste | Instagram

Maliban sa kanyang sipag at galing bilang isang alkalde ay naging takaw pansin din ang kanyang lovelife. Napag-alaman ng netizens na ang love of his life ay isa palang napakagandang artista. Ito ay walang iba kundi si Pauline Mendoza na naging bida sa isa sa mga inaabangang serye sa Kapuso Network na pinamagatang “Kambal, Karibal”.


Photo Courtesy: Pauline Mendoza/Arth Bryan Celeste | Instagram

Hindi man sila madalas na magkasama ng alkalde dahil sa kanilang mga trabaho ay nanatiling matatag ang kanilang pagmamahalan sa isa’t-isa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *