Kilalanin ang napakagandang si Daniela Stranner, ang isa sa pinakabago na kinaaabangan sa mundo ng pag-aartista

Sa panahon ngayon hindi na mawawala ang mga bagong diskubre na artista. ‘Yong tinatawag na bagong sibol sa mundo ng showbiz.


Image Courtesy: Daniela Stranner / Instagram

Tulad nalang nga ng aktres na si Daniela Stranner, na isa sa mga bagong mukha sa industriya ng showbiz. Matapos nga ang kaniyang naudlot na karera, ngayon ay nagbabalik showbiz na ang dalaga para ituloy ang kaniyang pag-aartista.

Si Daniela Stranner ay isang Filipina-German na nasa edad 17 taong gulang. Isa siya sa mga hawak ng Rise Artist Studio, isang talent management sa Kapamilya channel.


Image Courtesy: Daniela Stranner / Instagram

Isa nga sa mga nakapansin ng kaniyang galing ay si Direk Chathy Garcia-Molina. Inilarawan niya si Daniela Stranner na isang “Good actress” at “One of the better ones”. Dagdag pa niya na kapag nalaman daw ng mga manunuod kung ano ang kayang ibigay ng dalaga ay siguradong magugustohan din daw nila ito.


Image Courtesy: Daniela Stranner / Instagram

Ayon sa aktres na si Daniela Stranner malaking bagay daw ito sa kaniya. Ang paglarawan sa kaniya ng isang magaling na direktor at mentor na humawak sa mga malalaki at bigating artista ngayon sa showbiz.

Image Courtesy: Daniela Stranner / Instagram

Si direk Cathy din ang magdidirek sa bagong at kauna-unahang movie ni Stranner na pinamagatang “Love at First Stream”. Para kay Stranner isang “dream come true” ito para sa kaniya sapagkat ito raw ang kaniyang pinakahihintay na sandali.


Image Courtesy: Daniela Stranner / Instagram

Makakasama naman niya dito ang kaniyang mga kapwa baguhan na sina Anthony Jennings, at ang dating housemates ni kuya sa PBB na si Kaori Ouinuma at si Rhys Miguel.


Image Courtesy: Daniela Stranner / Instagram


Image Courtesy: Daniela Stranner / Instagram

Lingid sa ating kaalaman na ang big break sana ng aktres na si Stranner ay ang “Make it with you” ngunit natigil ito nang dahil sa pandemya ng Covid-19. Hanggang sa nangyari nga na ipasara ang franchise ng Kapamilya channel.


Image Courtesy: Daniela Stranner / Instagram

Ganoon pa man kahit na naging mahirap para sa kanila ang lahat, hindi naman daw sila pinapabayaan ng Rise. Binigyan daw sila ng workshop at pinag-eensayo pa rin daw sila nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *