Kahit na nagkaroon man ng iba’t ibang partner sa buhay ang aktor na si Joey De Leon ay naging prioridad pa rin nito na alagaan ang kaniyang mga anak at hindi sila pinabayaan sapagkat alam isa itong lifetime role na kailangan niyang gampanan.
Image courtesy: Jocas De Leon | Instagram
Isa na nga dito ang pinag-uusapan ng mga netizens na si Jocas, ang kaniyang unica-hija sa asawa na si Eileen Macapagal na bukod sa beauty and brains ay mayroon na rin itong sariling buhay sa ibang bansa dahil na rin sa walang sawang suporta ng kaniyang Ama.
Image courtesy: Jocas De Leon | Instagram
Image courtesy: Jocas De Leon | Instagram
Maliban sa angking kagandahan ni Jocas na namana niya sa kaniyang mga magulang ay kapansin-pansin ang pagpapakita nito ng kaniyang hilig sa pag-aaral. Sa katunayan, lumuwas pa siya ng bansa at nagtungo sa New York upang doon mas lalong pagyamanin ang kaniyang kaalaman.
Image courtesy: Jocas De Leon | Instagram
Pumasok siya sa Fordham University at kumuha ng kursong Bachelor’s Degree in Economics at nagtapos nga bilang Cum Laude ng kanilang klase. Hindi dito natigil ang hangarin ni Jocas na madagdagan ang kaniyang nalalaman at nagtungo pa sa London upang mag-aral sa isang European Business School at kumuha ng kursong Master’s Degree in Luxury Brand Management.
Image courtesy: Jocas De Leon | Instagram
Madalas mang wala sa bansa ang anak ay hindi nakakaligtaan ni Joey De Leon na ito ay bisitahin abroad upang magkaroon sila ng bonding-moments bilang mag-ama. Sa katunayan, inamin ni Jocas ang kaniyang pagiging Daddy’s girl at sa kaniyang social media post nga ay nagpapasalamat ito sa kaniyang Ama sa pagpaparamdam sa kaniya ng pagmamahal na naguumapaw.
Image courtesy: Jocas De Leon | Instagram
Kahit na busy si Joey De Leon sa kaniyang trabaho sa industriya ay talaga namang bibitawan ng aktor ang kaniyang trabaho para lamang sa kaniyang mga anak.
Image courtesy: Jocas De Leon | Instagram
Isa ngang paboritong bonding-moments nilang dalawa ay ang mag-food trip sa iba’t ibang lugar lalo na sa tuwing sila ay nasa ibang bansa. Sa ganitong paraan kasi ay naipapakita ni Joey ang kaniyang pagiging cool dad sa kaniyang mga anak.
Image courtesy: Jocas De Leon | Instagram
Hindi nga maikakailang beauty and brains ang anak ni Joey de Leon na si Jocas at hanggang ngayon ay marami sa mga netizens ang nagsasabi na pwede rin itong mag-artista kagaya ng kaniyang Daddy subalit mas inuuna muna ni Jocas ang kaniyang pag-aaaral.