Kilalanin ang napakagandang asawa ni James Yap na mala-model ang dating

Heartthrob at kilabot pagdating sa basketball itong si James Yap kaya naman hindi nakakapagtaka na magkaroon siya ng maraming taga-hanga. Hindi na nga halos mabilang ang mga natanggap niyang trophy at awards bilang MVP sa nasabing sports at talaga namang naging parte siya ng magandang kasaysayan ng Philippine Basketball.


Image source: Instagram/jamesyap18




Sa kabila nito ay kakaibang James ang makikita natin sa tuwing uuwi siya sa kaniyang pamilya. Napaka-sweet at maalagang asawa ito sa kaniyang partner na si Michela Cazzola, isang Italiana at dating secretariat specialist sa Asian Development Bank.


Image source: Instagram/jamesyap18


Image source: Instagram/jamesyap18

Pinapairal niya rin sa loob ng kanilang bahay ang ilang magagandang kaugalian ng mga Pilipino kagaya na lang ng pagsagot ng “po” at “opo” kahit na may lahing foreigner ang kaniyang mga anak.


Image source: Instagram/jamesyap18





Image source: Instagram/jamesyap18

Sa katunayan, ang dalawang anak nila na si MJ at Franchesca ay mayroong mga Pilipinong palayaw. Ang panganay na si MJ ay binansagan nilang “bugoy” at si Franchesca naman ay tinawag na “bugay”.


Image source: Instagram/jamesyap18

Marami rin ang nagsasabi na ang panganay nilang lalaki ay hawig ni Mommy Michela at ang bunsong babae naman ay kamukhang-kamukha ng basketbolista.


Image source: Instagram/jamesyap18

Simula naman nang magsama sila ni Michela noong taong 2012 ay marami ang natutunan ni James mula sa kaniyang partner at nag-iba ang ilang pananaw nito sa mga bagay-bagay. Pinasok niya rin ang pagnenegosyo at nagkaroon nga ito ng sariling bar na tinawag niyang “District 8 Manila”.


Image source: Instagram/jamesyap18


Image source: Instagram/jamesyap18

Samantala, matagal ring nanirahan dito sa Pilipinas ang buong mag-anak dahil na rin sa trabaho at negosyo ni James ngunit bago pa magkaroon ng lock down sa bansa ay nagdesisyon sila na pumunta sa Italy.



Image source: Instagram/jamesyap18

Kasama nila ang dalawang anak at pansamantala muna silang maninirahan sa bansa na pinagmulan ni Michela hanggang maging okay ang lahat.


Image source: Instagram/jamesyap18

Masaya nga si James dahil sa wakas ay nakamit niya rin ang pangarap na magkaroon ng tahimik at buong pamilya. Noon kasi ay hindi maiwasan na maging laman siya ng balita lalo na at naging dating ka-relasyon niya ang Queen of Multimedia na si Kris Aquino.


Image source: Instagram/jamesyap18




Image source: Instagram/jamesyap18

Family goals nga kung ituring ng marami ang pamilya na meron ngayon ang basketbolistang si James Yap lalo na at kitang-kita sa kanilang mga social media post kung gaano sila kasaya sa buhay na mayroon sila kasama ang dalawang napaka-cute na mga anak

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *