Kilalanin ang napakagandang anak ni Dimples Romana na talented at maabilidad sa buhay

Lubos na hinahangaan ngayon ng mga netizens ang panganay na anak ng batikang aktres na si Dimples Romana na si Callie Ahmee at marami ang nagsasabi na pwedeng-pwede itong mag-artista dahil sa pagkakaroon niya ng magandang mukha na namana niya sa kaniyang Ina.


Image courtesy: Instagram/dimplesromana

Sa katunayan, mayroong mga nagsasabi na minsan ay hawig siya sa kilalang aktres na si Kathryn Bernardo at ayon nga kay Dimples marami na ring nanliligaw sa kanilang anak kaya naman bantay-sarado dito si Daddy Boyet.


Image courtesy: Instagram/callieahmee


Image courtesy: Instagram/callieahmee

Samantala, proud na proud din kay Callie ang kaniyang mommy Dimples dahil sa murang edad pa lang ay nakikitaan na siya ng iba’t ibang talento kagaya na nalang ng pagkahilig nito sa “film photography”.


Image courtesy: Instagram/callieahmee


Image courtesy: Instagram/callieahmee

Maging ang pangarap na mag-aral sa ibang bansa para maging piloto ay unti-unti na rin nitong binubuo. Pagkatapos nga ni Callie ng Grade-12 ay agad itong tutuloy sa Australia para sa kaniyang aviation class kung sakali man na maging maayos na ang lahat bansa.


Image courtesy: Instagram/dimplesromana

Maliban dito ay nagtayo rin si Callie ng sariling negosyo ng mga bag at siya namang sinuportahan ng kaniyang pamilya at mga kaibigan. Tinawag niya itong “Cal The Brand” kung saan mas naipapakita niya ang mga gawang Pinoy.


Image courtesy: Instagram/callieahmee


Image courtesy: Instagram/callieahmee

Ang mga bag na ibinebenta ng dalaga ay pawang gawa dito sa bansa at ang karamihan sa materyales nito ay “premium rattan”. Ayon kay Callie isa sa mga paborito niyang gamit ay bag kaya naman madalas niya siyang bumili nito sa tuwing bumibisita sila ng kaniyang ina sa mga bazaar.


Image courtesy: Instagram/callieahmee

At dahil napansin niya ang mga gawang-pinoy na “rattan bags” naisipan niyang gumawa rin ng ganito na may panibagong disenyo na babagay sa mga teenagers na kagaya niya.


Image courtesy: Instagram/callieahmee

Nais niya ring tularan ang mga magulang pagdating sa pag-nenegosyo at sa katunayan sarili niyang pera ang ginamit nito sa pag-uumpisa ng kaniyang “bag collections” noong Disyembre ng nakaraang taon.


Image courtesy: Instagram/callieahmee


Image courtesy: Instagram/dimplesromana

Patungkol naman sa usapin ng pagpasok sa mundo ng show business ay mukhang hindi pa interesado ang dalaga ngunit ayon kay Dimples, anumang gusto nitong gawin ay kanilang susuportahan. Kaya naman maraming netizens pa rin ang umaasa na balang araw ay magiging artista din si Callie kagaya ng kaniyang Ina.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *