Kilalanin ang napakaganda at napakagaling na Filipina Pilot sa ating bansa

Noong unang panahon, ang pagtatrabaho ay para lamang sa mga lalaki habang ang mga babae ay naiiwan sa bahay upang magsilbi sa kanilang mga pamilya at mag-alaga ng mga bata.

Sa kasalukuyan, kahit anong kasarian ay maaari nang magtrabaho at hindi na ito hadlang upang magtagumpay sa ano mang napiling larangan. Kagaya na lamang ni Chezka Gonzales-Garrido, isang bagong babae na piloto sa Pilipinas.


Image source: Instagram/filipinapilotchezka

Ang trenta anyos na si Chezka ay isang newly-qualified na babaeng piloto at nais nitong magsilbing inspirasyon para sa mga babaeng pangarap magtrabaho sa field na ito kung saan mga kalalakihan ang nangunguna.


Image source: Instagram/filipinapilotchezka

Nagtapos si Chezka sa Kolehiyo sa kursong Bachelor of Science in Nursing mula sa Far Eastern University (FEU). Gayunman, hindi talaga nito maalis sa kanyang isip ang matagal na niyang pangarap na maging isang piloto, kaya naman sa kabila ng kanyang maganda ring propesyon ay pinili nitong sundin ang kanyang puso.


Image source: Instagram/filipinapilotchezka

Image source: Instagram/filipinapilotchezka

Ibinahagi ni Chezka sa kanyang Facebook ang dalawang litratong kuha habang nakaupo ito sa upuan ng co-pilot sa loob ng cockpit o flight deck.


Image source: Instagram/filipinapilotchezka

Sa unang litrato ay nakasuot pa ito ng uniporme ng flight attendant at ang pangalawa naman ay nakasuot na ito ng uniporme ng isang piloto.


Image source: Instagram/filipinapilotchezka
Image source: Instagram/filipinapilotchezka

Anim na taon ang ginugol nito sa pagsasanay upang maging piloto kaya naman hindi naging madali ang kaniyang pinagdaanan. Madalas rin daw itong ma-discriminate dahil sa pagiging isang babae at may mga pasahero pang natatakot at nag-aalala para sa mga sarili nilang kaligtasan dahil isang kagaya niyang babae ang magmamaneho ng eroplano.


Image source: Instagram/filipinapilotchezka
Image source: Instagram/filipinapilotchezka

Ngunit sa kabila ng lahat ng ito ay hindi niya hinayaang maging hadlang iyon para maabot ang pangarap, bagkus ay ginamit niya ang mga negatibong komento na ito bilang inspirasyon para mas magsikap pa at pagbutihin ang trabaho.


Image source: Instagram/filipinapilotchezka

Mula sa Caravan Pilots, payo ni Chezka para sa mga kapwa niyang babae na nais mag-piloto ay “strike while the iron is hot! Let your passion roar like the engines of an airplane. Turn your energy into productivity and the reward would all be worth it.”


Image source: Instagram/filipinapilotchezka

Dagdag pa nito ay masaya ang matuto at kalaunan ay magiging mas maayos ang lahat kaya hindi dapat magpadaig sa mga negatibong bagay na sinasabi ng ibang tao.
Image source: Instagram/filipinapilotchezka


Image source: Instagram/filipinapilotchezka

Ang kwento ni Chezka ay isa na namang patunay na kung may sapat na determinasyon at pagsisikap ay walang hindi kayang abutin ang sino man. Natigil man ngayon ang kaniyang trabaho bilang piloto dahil sa nangyaring krisis sa buong mundo, alam pa rin nito na sa tamang panahon ay siya’y lilipad muli at pagseserbisyohan ang ating mga kababayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *