Ikinatuwa ng marami ang balitang pumirma na ng kontrata bilang artist ng talent management agency na Viva Entertainment ang binatang anak ni Jericho Rosales. Siya ay walang iba kung hindi ang napaka-gwapong si Santino na anak ng aktor sa dating modelo na si Kai Palomares.
Image source: Instagram/jericorosalesofficial
Image source: Instagram/santino_rosales
Bata pa lamang ay kinakitaan na si Santino ng magagandang katangian na namana niya sa kaniyang mga magulang. Mayroon itong tangkad na 6 feet at talaga namang matipuno ang katawan at walang duda ang pagiging gandang lalaki nito.
Image source: Instagram/jericorosalesofficial
Kaya naman sa edad na 17 years old ay agad itong nakapasok sa mundo ng modeling at naging miyembro ng Professional Models Association of the Philippines.
Image source: Instagram/santino_rosales
Like father, like son nga ang mag-Ama na Jericho at Santino dahil marami silang bagay na pinagkakasunduan kagaya na lang ng pagkahilig nila sa sports na surfing. Marunong na rin itong humawak ng negosyo kahit na bata pa lamang ito.
Image source: Instagram/jericorosalesofficial
Sa katunayan, sa murang edad ay kasama niya ang kaniyang ina na si Kai sa pag-aasikaso ng kanilang food business. Ito ay tinawag nilang ‘KAISANT Skews n Brews’ na matatagpuan sa ParaƱaque City.
Image source: Instagram/santino_rosales
Hindi rin pahuhuli si Santino pagdating sa sports na football at dahil sa kaniyang tangkad at tikas ng katawan ay mas lalo siyang nagkaroon ng advantage sa larong ito. Sa ngayon ay kabilang siya sa Kaya Futbol Club, isang professional football team sa Makati.
Image source: Instagram/santino_rosales
Samantala, walang balak si Santino na sundan ang yapak ng kaniyang Ama sa pag-aartista at okay na siya sa kaniyang ginagawang pagmomodelo dahil masaya naman siya sa ganito.
Image source: Instagram/santino_rosales
Nagdesisyon na rin naman itong pumirma ng exclusive contract sa ilalim ng Viva Artists Agency upang mapalawak pa ang career sa modeling at magkaroon rin ng mga product endorsement.
Image source: Instagram/santino_rosales
Bukas naman si Santino sa posibilidad ng hosting ngunit hindi niya pa nakikita ang sarili na gumawa ng mga pelikula kagaya ng Ama na si Jericho.
Image source: Instagram/santino_rosales
Sa kabila ng bago at malawak na oportunidad para sa kaniyang career ay mas priority ngayon ng binata ang kaniyang pag-aaral at hangad na matapos ang kinuhang kurso na Interdisciplinary Business Studies sa De La Salle University.
Image source: Instagram/santino_rosales
Image source: Instagram/santino_rosales
Talaga namang napaka-gwapo ni Santino at dagdag pogi points pa ang kaniyang disiplina sa sarili at hangad na magkaroon ng degree sa kolehiyo.