Ang sarap nga naman makita ang ilang mga celebrity moms na close na close sa kanilang mga babaeng anak na kung saan napakarami ng kanilang mother and daughter bonding moments na madalas nilang ibahagi sa kanilang social media accounts.
Ilan lamang sa mga artista na bff ang kanilang mga anak ay ang mga sumusunod na sikat na mga celebrities:
1. Mommy Sunshine Cruz and Daughter Angelina Cruz
Image source: Instagram/sunshinecruz718
Bata pa lang ay close na close na si Angelina sa kaniyang Mommy Sunshine at habang lumalaki nga ay gusto niyang maging kagaya nito at sundan ang yapak bilang isang artista katulad ng kaniyang Ina. Aminado rin ang dalaga na itinuturing niyang bestfriend ang kaniyang cool-mom na hanggang ngayon ay kayang makipag-sabayan sa kaniyang hilig dahil isang napaka cool mom ni Sunshine.
Image source: Instagram/sunshinecruz718
2. Mommy Marjorie and Daughter Julia Barretto
Lumaki si Julia sa isang showbiz family at super thankful siya kay Mommy Marjorie dahil naranasan niya ang magandang buhay habang lumalaki. Itinuturing niyang bestfriend ang kaniyang Mommy dahil mas nakakapag-open up si Julia sa kaniyang mga dreams and wants sa buhay maging ang kaniyang mga sikreto ay alam ng kaniyang Ina.
Image source: Instagram/marjbarretto
3. Mommy Sharon Cuneta and Daughter Frankie Pangilinan
Aminado si Sharon Cuneta na mas kilalang kilala siya ng kaniyang anak na si Frankie kaya naman bawat kilos at emosyon nito ay alam saluhin ng kaniyang anak. Siya rin kasi ang madalas na napagsasabihan ni Sharon ng kaniyang mga problema sa buhay dahil matured daw itong mag-isip at tila parehas sila ng pag-uugali.
Image source: Instagram/reallysharoncuneta
Image source: Instagram/reallysharoncuneta
4. Mommy donnabelle and Son Iñigo Pascual
Image source: Instagram/inigopascual
Momma’s boy naman ang aktor na si Iñigo Pascual at hindi siya nahihiya na ipakita sa publiko kung gaano siya kalambing sa kaniyang Mommy Donnabelle. Bestfriends din sila ng kaniyang ina at handa itong gawin ang lahat para lang makita siyang masaya. Mas madalas din niya itong ka-bonding sa tuwing wala siyang trabaho sa industriya.
5. Mommy Mabel and Daughter Andrea Brillantes
Image source: Instagram/blythe
Napaka-sweet din ng aktres na si Andrea sa kaniyang Mommy dahil gusto niya na lagi siyang sumusunod sa lahat ng mga bilin ng kaniyang Ina. Ginagawa ito ng aktres dahil palagay siya sa kaniyang ina at itinuturing niya itong best friend niya. Napaka malambing kasi ni Andrea sa kaniyang Mommy kaya naman mas close na close silang dalawa lalong lalo na sa kanilang mga hilig sa buhay.