Kilalanin ang mga artista na may mga sariling taniman sa kanilang tahanan

Sa panahon ngayon ay hindi na biro ang presyo ng mga bilihin kung kaya mas maganda ay magkaroon tayo ng paraan upang hindi mabutas ng tuluyan ang ating mga bulsa.

Ang iba sa atin na may malaking bakuran ay pinili na lamang na magtanin ng sariling mga gulay at prutas para mas mabawasan ang gastusin pagdating sa bahay.

Hindi lamang iyon dahil mas makakasigurado ka na fresh at walang halong kemikal ang mga ito. Maliban sa mga ordinaryong mamamayan ay mayroon ding mga ibang kilalang artista na ginagawa ang mga ganitong gawain dahil natutuwa sila na mayroon silang inaani sa bawat buwan na lilipas.




Hindi ibig sabihing kilala ka bilang artista ay hindi na praktikal mamuhay dahil nga sa isip natin ay marami naman silang mapagkukuhaan ng kanilang pangkabuhayan.

Patunay na dito ang mga sumusunod na artista na nagtatanin ng kanilang sariling prutas at gulay upang maibsan ang malaking gastos at magkaroon ng kabuluhan ang kanilang pamamalagi sa kanilang tahanan.


Photo Courtesy: Mylene Dizon | Instagram


Photo Courtesy: Mylen Dizon | Instagram

Isa na dito si Mylene Dizon na hinahangaan ng maraming netizens dahil sa kanyang sipag at tiyaga sa pagtatanim. Saad niya na mas maganda na magkaroon ng ganitong bagay dahil kahit na umano dumating ang oras na siya ay kapos ay mayroon siya pagkukunan ng makakain.




Ang kanyang mga pananim ay kinabibilangan ng labanos, sugar beets, karot at fennel. Maliban kay Mylene ay nagtatanin din ang pamilyang Kramer. Sino nga ba ang hindi nakakakilala sa pamilyang Kramer na kinagigiliwan ng nakakarami.


Photo Courtesy: Doug Kramer | Instagram


Photo Courtesy: Doug Kramer | Instagram

Kung si Mylene ay may isang lupa na taniman ng gulay ang pamilyang Kramer naman ay mas pinili na magtanin sa mga paso o kaya sa mga lumang lalagyan. Ang mga tanim naman nila ay kinabibilangan ng talong, bell pepper, luya, sibuyas, malunggay at marami pang iba.




Photo Courtesy: Neri Miranda | Instagram


Photo Courtesy: Neri Miranda | Instagram

Sino ba ang hindi nakakakilala sa masipag at madiskarteng asawa ng idolo nating si Chito Miranda na si Neri Naig-Miranda. Sa kanyang lupa sa Alfonso, Cavite ay kanyang ipinakita ang sari-saring pananim na kamakailan lamang ay kanyang inani kasama ang ina niyang si Mommy Lita.


Photo Courtesy: Liz Uy | Instagram

Tulad din ng ibang artista ay sari-sari ang makikitang gulay at prutas sa kaniyang hardin.
Hindi din nagpapahuli ang kilalang stylist na si Liz Uy na noong nakaraang taon lamang siya nagsimulang magtanin ng mga gulay.

Saad niya na nagawa lamang niya ang gawain na ito dahil mas gusto umano ng kanyang pamilya ang kumain ng sariwang mga gulay na galing sa kanilang hardin.



Photo Courtesy: Zsa zsa Padilla | Instagram

Last but not the least ay ang sikat na artista na si Zsa Zsa Padilla na may sariling farm na matatagpuan sa Lucban, Quezon. Makikita sa kanyang farm ang sari-saring gulay at mga prutas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *