Isa nga si Kristine Hermosa sa magagandang mukha sa show business na tila hindi tumatanda ang itsura dahil sobrang fresh pa rin hanggang ngayon.
Image source: Instagram/khsotto
Talaga namang hinahanggan siya dahil sa pagkakaroon niya ng mestiza beauty na walang kupas ang kagandahan. Hindi nga maikakaila na maraming taga-hanga si Kristine at kahit na ngayong hindi na siya aktibo sa entertainment industry ay marami pa rin ang nakakakilala sa kaniya.
Image source: Instagram/kathermosa
Samantala, hindi alam ng karamihan ay mayroon din itong napaka-gandang ate na si Kathleen Hermosa na minsan na ring pumasok sa industriya noon. Katulad ni Kristine, mestiza beauty rin itong si Kathleen kaya naman nakilala rin siya noon sa isang modelling company.
Image source: Instagram/kathermosa
Unang nakilala si Kathleen nang mapabilang siya sa FHM taong 2010 at ipinamalas din nito ang talento pagdating sa modeling. Dahil sa magandang pagtanggap ng publiko ay nagustuhan niya ang mundo ng show business at unti-unting nakapasok dito bilang isang artista.
Image source: Instagram/khsotto
Kagaya nga ng kaniyang nakababatang kapatid na si Kristine ay kapansin-pansin rin ang pagiging likas ng talento ni Kathleen sa pag-arte sa harapan ng camera.
Image source: Instagram/kathermosa
Kaya naman, hindi nakakapagtaka na magsunod-sunod ang kaniyang mga projects tulad nalang ng mga soap opera na ‘Honesto’, ‘Nathaniel’, ‘Doble Kara’ at marami pang iba. Nakasama niya rin dito ang ilang batikang aktres at marami nga siyang natutunan mula sa kanila kung papaano mas mapapabuti ang kaniyang trabaho.
Image source: Instagram/khsotto
Samantala, sa kabila ng pamamayagpag ng kaniyang acting career ay biglang nawala sa spotlight si Kathleen at mas piniling pumunta abroad para ipagpatuloy ang pangarap na makapagtapos ng kursong may kinalaman sa Entrepreneurship.
Image source: Instagram/khsotto
Nag-aral siya sa Thames International Business School at matapos nito ay sinimulan niya ang kaniyang sariling negosyo.
Image source: Instagram/kathermosa
Hindi nagtagal ay muli siyang bumalik sa show business at napasama nga sa come back soap opera ni Judy Ann Santos na “Starla”. Ayon kay Kathleen, noon daw ay tinakasan niya ang pag-aartista dahil akala niya ay hindi ito para sa kaniya ngunit matapos ang ilang taong pamamalagi abroad ay hinanap-hanap niya ang passion sa pag-arte.
Image source: Instagram/kathermosa
Kung noon ay mas sumabak sa indsutriya si Kristine Hermosa, ngayon naman ay nais balikan at sumubok muli ng kaniyang kapatid na si Kathleen sa kaniyang karera dahil ito ang hinahangad ng kaniyang puso, ang muling bumalik sa pag-arte.
Image source: Instagram/khsotto
Sa ngayon nga ay balik show business na si Kathleen at maliban sa pamilya ay prioridad niya ang trabaho bilang isang artista kumpara kay Kristine na mas masaya ang buhay sa pagiging isang hands on mommy sa kaniyang mga anak.