Kilalanin ang Male version look alike ni Liza Soberano na isang Thailander

Ang Filipina-American actress at model na si Liza Soberano ay talaga namang umani ng papuri sa mga netizens dahil sa taglay nitong kagandahan.


Image source: Instagram/lizasoberano

Maging mga banyaga ay napapansin rin ang karisma ng aktres at sa katunayan, kamakailan lamang ay isang Thailander naman ang naging viral sa Twitter matapos nitong mabanggit na siya ang “male version” ni Liza Soberano.


Image source: Instagram/lukevoyage

Nakilala siya bilang si Luke Plowden, Thailand-based model at isa ring aktor doon. Half-american din ito kagaya ni Liza at kilala rin sa kanilang bansa. Nagtatrabaho siya sa GMMTV, isang Thai production company na gumawa ng BL hit “2gether” at iba pang sequel.


Image source: Instagram/lukevoyage


Image source: Instagram/lukevoyage

Maliban dito ay gumanap din siya ng role sa mga pelikula na Wake Up Ladies: Very Complicated,” at ngayong taon ay bibida sa kauna-unahang lead role sa series na “Oh My Boss,”.
Image source: Instagram/lukevoyage

Sa kaniyang ibinahaging post ay makikita ang larawan niya na katabi ang larawan ni Liza at kapansin-pansin ang pagkakahawig ng dalawa magmula sa kilay, mata, ilong at bibig kaya naman hindi nakakapagtaka na marami ang nagsasabi na para silang pinagbiyak na bunga.


Image source: Instagram/lizasoberano

Dahil dito ay mas lalong nakilala si Liza sa Thailand dahil namangha sila sa kaniyang natural beauty na talaga namang hindi nakakasawang tignan.

Image source: twitter/lukeplowden

“Hi @lizasoberano, I’ve heard from many Filipino fans that I kinda look like a male version of you, I guess I can see that,” caption ni Plowden sa kaniyang tweet.

Umabot naman sa aktres ang tweet na ito at matapos ang viral post ni Plowden ay nagkaroon sila ng kaunting palitan ng mensahe sa Twitter kung saan nireplyan ito ni Liza.


Image source: Instagram/lukevoyage

“Hello, long lost brother.”, tweet ni Liza.

“Nice to finally meet you, twin sister!,” sagot naman ni Plowden.

Image source: Instagram/lizasoberano

Samantala, hindi lang si Plowden ang nabanggit na kamukha ni Liza at matatandaan na inihahambing din siya sa ilan pang kilalang personalidad kagaya na lamang ng Kpop idol na si Nancy McDonie, member ng girl group Momoland.


Image source: Instagram/lizasoberano

Nagkaroon na rin ng pagkakataon na magkita ang dalawa at tila ba nagulat rin sa pagkakapareho ng kanilang mukha.

Isa din dito ang Asia’s Next Top Model Cycle 5 contender na si Maureen Wroblewitz na marami ang nagsasabi na pwedeng maging ate ni Liza Soberano.


Image source: Instagram/lizasoberano


Image source: Instagram/mauwrob

Ang panghuli ay si Bb. Pilipinas-International 2017 Mariel de Leon na anak ng batikang aktor na si Christopher de Leon kay Sandy Andolong.

Tunay ngang may pagkakahawig ang ilang nabanggit na personalidad sa aktres ngunit ganoon pa man, wala pa ring tatalo sa nag-iisang Liza Soberano.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *