Marami sa atin ang humahanga sa mga bagong artista ngayon. Nangangarap na sana tayo na lamang ang kanilang maging kasintahan. Dahil sa kanilang taglay na kagandahan, ganda ng hubog ng katawan, kagwapuhan at kamachohan ay mas lalong nahuhumaling tayo sa kanila na gusto nating mapanuod ang lahat ng pelikula, serye o proyekto na kinabibilangan nila.
Photo courtesy: AJ Raval | Instagram
Dahil sa kanilang kasikatan ay napapaisip tayo sino nga ba ang maswerteng tao na magiging partner ng ating iniidolo o ng ating crush na celebrity. Tulad na lamang ng matunog na pangalan ng isa sa mga bagong aktres na bumulaga sa atin ng una natin siyang masilayan, ito ay walang iba kundi si AJ Raval.
Photo courtesy: AJ Raval | Instagram
Photo courtesy: AJ Raval | Instagram
Marinig pa lamang natin ang apelyidong Raval, ang pumapasok sa ating isipan ay ang isa sa mga napakagaling na aksyon star na nagngangalang Jeric Raval.
Photo courtesy: AJ Raval | Instagram
Photo courtesy: AJ Raval | Instagram
Lahat tayo ay pamilyar sa aksyon star at siya lang naman ang ama ng isa sa mga kinahuhumalingan natin na aktres ngayon na si AJ Raval. Kung ikaw ay nagbabalak na manligaw sa aktres ay maaaring isantabi mo na ito dahil sa kadahilanan na siya ay taken na.
Ang maswerteng lalaki na ito na nakakuha ng basbas ni Jeric ay dating PBB Housemate noong 2014. Siya ay walang iba kundi si Axel Torres na kilalang-kilala natin dahil sa kanyang mga pinakitang kagalingan noon sa PBB.
Photo courtesy: AJ Raval | Instagram
Photo courtesy: AJ Raval | Instagram
Ibinahagi ng aktres na siya at ang kanyang nobyo na si Axel Torres ay matagal na. Hindi pa umano sumasabak ang aktres sa larangan ng showbiz ay naging nobyo na niya si Axel Torres.
Ito ay naibunyag noong merong isa sa mga netizens ang nakadiskubre ng isang litrato na kung saan kasama niya si Axel noong nakaraang taon lamang. Kung inyong natatandaan na kamakailan lamang naging matunog at nakilala si Aj Raval dahil sa kanyang mga daring roles sa pelikula at pag-stream sa social media.
Photo courtesy: AJ Raval | Instagram
Photo courtesy: AJ Raval | Instagram
Nang makita ang litrato ay kinumpirma naman ito ni AJ noon sa isang movie conference na meron na nga siyang nobyo at ito ay walang iba kundi si Axel. Madami sa mga fans ng dalaga ang natuwa sa balita na ito at madami din sa mga tagahanga niya ang medyo nalungkot. Ngunit patuloy pa din nilang sinusuportahan ang aktres dahil kahit ano pa man ang mangyari saad ng ibang netizens ay idolo nila ito.