Proud na proud ang aktres na si Kim Chiu sa kaniyang lalaking kapatid na si John sapagkat isa na itong professional Pilot sa Canada matapos ang ilang taong pag-aaral sa ibang bansa upang maging isang magaling na Piloto.
Image source: Instagram/chinitaprincess
Ayon sa aktres, bago pa man maisipan ng kaniyang kapatid na lumipad sa ibang bansa para mag-aral ay mayroong pangamba ang kaniyang pamilua na baka hindi raw ito kayanin ng kaniyang kapatid lalo na at mag-isa lamang siya titira doon at walang ibang kasamang kapamilya. Kaya naman sa una ay nagdadalawang isip sila na payagan siyang tumira mag-isa sa Canada.
Image source: Instagram/chinitaprincess
Image source: Instagram/Alfa1charlie
Subalit dahil pursigido si John at talagang nais niyang makamit ang kaniyang dream job at maging succesful sa larangan ng pagigign isang piloto, pinayagan siyang makapag aral at tumira sa Canada ng halos apat na taon.
Image source: Instagram/Alfa1charlie
Image source: Instagram/Alfa1charlie
Mahirap man na malayo si John sa kaniyang pamilya at mga kapatid, nilakasan niya ang kaniyang loob at nag tiis para makamit ang kaniyang pangarap bilang isang Piloto. Sa katunayan, naghanap ito ng dalawang trabaho doon at pinagsabay ang pag-aaral at pagpa-part time upang makatulong rin sa kaniyang mga gastusin sapagkat mahal ang pagtira sa ibang bansa.
Image source: Instagram/Alfa1charlie
Hindi man madalas mabisita ni Kim ang kaniyang kapatid na nasa ibang bansa ay naranasan na rin naman niya na makasakay habang si John ang Piloto kaya naman proud na proud ito at nagpursige siya sa kaniyang pangarap. Noon ay nabibisita pa ni Kim ang kaniyang kapatid habang nagbabakasyon kasama ang pamilya, subalit ngayon na nagkaroon ng krisis ay virtual na lamang sila nakakapagusap dahil hindi pa nila ito mabisita sa Canada.
Image source: Instagram/Alfa1charlie
Sa ngayon ay masaya si John sapagkat isa na itong ganap na Professional Pilot sa Canada at madalas na rin siyang magkaroon flights sa iba’t ibang panig ng mundo. Hindi man niya makasama ang kaniyang pamilya sa panahong ito, masaya naman siya sapakat mayroon na rin itong foreign girlfriend na madalas niyang makasama sa tuwing ito ay mayroong free time sa kaniyang trabaho.
Image source: Instagram/Alfa1charlie
Image source: Instagram/Alfa1charlie
Image source: Instagram/Alfa1charlie
Makikita sa kaniyang Instagram posts na madalas niyang kuhanan ng litrato ang kaniyang napakagandang girlfriend sapagkat isa ring hilig nito ay ang photography. Unti-unting nagiging magaling rin ito sa pagkuha ng mga litrato lalo ang ilang larawan na kaniyang ibinahagi noon sa tuwing ito ay nasa himpapawid at tanaw ang napakagandang aerial view.