Kamakailan lang pinasok na rin ni Lorin Gutierrez ang mundo ng show business. Siya ay anak ng batikang artista na si Ruffa Gutierrez na sinasabing susunod sa kaniyang mga yapak. Hindi lang ang kaniyang ina ang kilala sa mundo ng showbiz kung hindi pati na rin ang kanilang buong pamilya. Kaya hindi na rin nakapagtataka kung naisipan niya rin na pasukin ang mundo ng showbiz.
Image courtesy: Ruffa Gutierrez| Instagram
Ito nga ay ipinahayag sa isang virtual conference ni Lorin Gutierrez na siya ang pinakabagong miyembro ng Viva Artists Agency. Ayon naman sa dalaga na hindi naman daw siya nakakaramdam ng takot, kung meron man siyang naramdaman ito ay ang pagkasabik sa kaniyang bagong buhay o bagong pahina ng kaniyang buhay.
Image courtesy: Lorin Gutierrez| Instagram
Sinabi niya rin na matagal niya nang hinihintay ang pagkakataon na ito, at sa wakas daw ay dumating na ang sandali na kaniyang hinihintay upang sumunod sa yapak ng kaniyang mga pamilya. At ngayon daw na nalalapit na ang kaniyang ika-18 na taon, pakiramdam niya ay tama ang kaniyang naging desisyon.
Image courtesy: Lorin Gutierrez| Instagram
Image courtesy: Lorin Gutierrez| Instagram
Habang siya nga ay nasa pamilya ng mga aktor, sinabi niya na walang sino man ang nagdikta sa kaniya patungkol sa kaniyang naging desisyon. Ayon din sa dalaga na hindi siya pinagsabihan ng kaniyang pamilya tungkol sa dapat niyang gawin, hindi rin siya minadali ng mga ito.
Image courtesy: Lorin Gutierrez| Instagram
Ang lahat ay naayon sa kaniyang kagustuhan at ngayon nga ay handa na siyang pasukin ang mundo ng showbiz. Pagkasabik daw ang kaniyang nararamdaman at walang takot o pagkakaba. Nasasabik daw siyang ibuhos ang lahat ng kaniyang effort sa darating na panibagong yugto ng kaniyang buhay.
Image courtesy: Lorin Gutierrez| Instagram
Nang tanungin naman siya kung ano ang kaniyang naisip upang pasukin ang showbiz ang sagot niya ay ang pag-aarte raw ang tunay na nagbibigay saya para sa kaniya. Dagdag niya pa na kapag nasa school daw siya ay sumasali siya sa mga school play. Dumadalo rin daw siya sa mga drama classes.
Image courtesy: Lorin Gutierrez| Instagram
Image courtesy: Lorin Gutierrez| Instagram
Noong nagkapandemya nga ay narealize niya na madami pala siyang kayang gawin. Naisip niya na bakit niya lilimitahan ang kaniyang sariling mga pangarap kung hawak niya naman ang sarili niyang oras. Dagdag niya rin na maari niya ituloy ang kaniyang mga kinahiligan upang magkaroon din siya ng mapagpipilian kung ano ang kaniyang magiging hinaharap.