Noong dekada 90 ay nagsulputan ang mga naglalakihang artista na kilala natin hanggang ngayon. Marami silang mga pelikula na talagang tumatak sa bawat puso ng mga Pilipino.
Photo Courtesy: Eva Cariño Padilla | Instagram
Ang mga artista na ito na ating hinahangaan ay maaaring magkakapatid. Sila ay iyong mga biniyayaan ng kagwapuhan at kagalingan sa pag-arte. Ngunit naitanong na ba natin sa ating sarili kung sino at ano ang mukha ng kanilang mga magulang.
Photo Courtesy: Eva Cariño Padilla | Instagram
Marahil ay napapaisip na lamang tayo na dahil sa kanilang taglay na kagwapuhan at kagandahan ay siguro ganoon din ang kanilang mga magulang. Tulad na lamang ng ina ng kilalang angkan ng mga artista na Padilla.
Photo Courtesy: Eva Cariño Padilla | Instagram
Hindi na iba sa pandinig natin kung may makita man tayo na artista at ang apelyido nito ay Padilla. Inaasahan na natin ang mga ito na sadyang mga gwapo at magaganda ang lahi at may angking talento sa pag-arte, sayaw at pagkanta.
Photo Courtesy: Eva Cariño Padilla | Instagram
Maraming henerasyon na ng Padilla ang nagbigay ng aliw at nagpahanga sa atin. Unang papasok sa ating isipan na sa tuwing maririnig ang apelyido na ito ay ang Padilla Brother na kinabibilangan nina Rustom Padilla na ngayon ay si BB Gandanghari, Royette Padilla, Rommel Padilla, at ang idol natin na si Robin Padilla.
Photo Courtesy: Eva Cariño Padilla | Instagram
Silang magkakapatid ay anak ng namayapang si Roy Padilla na kilala din sa larangan ng showbiz. Hindi lamang ito naging aktor kundi isa din siyang kilalang politiko at direktor.
Photo Courtesy: Eva Cariño Padilla | Instagram
Kamakailan lamang ay nagbahagi ng litrato si Kylie Padilla na umakit ng atensyon ng mga netizens. Makikita sa litrato ang mga batang bersyon ng kanyang lolo at lola.
Photo Courtesy: Eva Cariño Padilla | Instagram
Marami sa mga netizens ang nakapansin sa kagandahang taglay ng Lola ni Kylie na nagngangalang Lolita Eva Cariño. Hindi na nakakapagtaka kung bakit maganda at gwapo ang lahi ng mga Padilla, dahil kitang kita naman sa litrato ni Lola Eva at kahit lumipas na ang panahon ay kapansin-pansin pa din ang hindi mapantayang kagandahan nito.
Photo Courtesy: Eva Cariño Padilla | Instagram
Samantala marami din ang nagsasabi na kahawig ni Rustom Padilla naman ang kanyang yumaong ama base sa litrato na ibinahagi ni Kylie.