Kilalanin ang beauty and brains na si Addie Manzano, ang napaka gandang anak ni Edu Manzano

Agaw pansin sa publiko ang unica hija ni Edu Manzano dahil sa taglay nitong ganda na mala-artistahin ang dating. Siya ay walang iba kung hindi si Addie Manzano, anak ng aktor sa dating partner na si Rina Samson, isang modelo. Kapatid niya ang aktor na si Luis Manzano at halos 16 years ang agwat nila sa isa’t isa.


Image source: Instagram/Addie.Manzano



Namana ni Addie ang angking ganda mula sa kaniyang mga magulang kaya naman hindi nakakapagtaka na marami ang humanga sa kaniya at inaantay na pumasok sa mundo ng showbiz.


Image source: Instagram/Addie.Manzano

Dahil nga sa angking katangian ay nagkaroon ng pagkakataon si Addie na mapasama sa mga modelo ng local clothing brand na Bench at isang kumpanya ng whitening product.


Image source: Instagram/Addie.Manzano

Nabigyan rin siya ng pagkakataon na ma-expose sa hosting katulad ng kagalingan sa pag-host ng kaniyang kapatid na si Luis Manzano. Sa katunayan, naging host siya ng ilang seasons sa UAAP at talaga namang naipamalas ang galing sa pagsasalita sa harapan ng camera.





Image source: Instagram/Addie.Manzano

Sa kabila ng pagkakaroon ng Ama na isang aktor at kapatid na nasa show business, hindi sumagi sa isipan ni Addie ang sumunod sa kanilang mga yapak.


Image source: Instagram/Addie.Manzano

Sa halip ay kumuha ito ng kursong Bachelor of Arts in Communication at nagtapos ng kolehiyo sa Ateneo de Manila University. Matapos nga ang kaniyang pag-aaral ay lumuwas ng bansa si Addie para manirahan sa New York kasama ang kaniyang ina at doon nagumpisa sa pag-abot ng kaniyang mga pangarap.


Image source: Instagram/Addie.Manzano



Image source: Instagram/Addie.Manzano

Samantala, hindi naman hinayaan ng kaniyang Ama na si Edu Manzano na mamiss siya ng sobra at palagi nga itong bumibisita sa America para magkaroon sila ng bonding moments. Ang kanilang pag-food trip at pag travel ang isang hobby nilang mag-Ama lalo na kung walang projects si Edu.


Image source: Instagram/Addie.Manzano


Image source: Instagram/Addie.Manzano

Sa ngayon ay masaya si Addie sa kaniyang buhay sa Amerika kasama ang ina na si Rina. Dahil na rin sa kagandahan nito ay mayroon ng nagpapakilig kay Addie, ang kaniyang foreigner boyfriend na si John Miclat kung saan madalas niyang kasama.


Image source: Instagram/Addie.Manzano


Image source: Instagram/Addie.Manzano

Wala ngang duda ang angking ganda at talento ni Addie kaya naman kung gugustuhin nitong pumasok sa showbiz ay tiyak na susuportahan siya ng kaniyang mga magulang na walang ibang hangad kundi ang kaniyang kaligayahan.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *