Maganda ang pagpasok ng bagong taon sa mag-asawang Paul Jake Castillo at Kaye Abad dahil na rin sa kasagutan ng kanilang mga panalangin. Isa na nga dito ang biyayang pagdadalantao muli ng aktres na talaga namang nagbigay saya sa kanilang munting pamilya lalong-lalo na sa panganay nilang si Joaquin.
Image source: Instagram/Kaye_abad
Image source: Instagram/Kaye_abad
Matatandang ikinasal ang noo’y matalik na magkaibigan na sina Paul Jake at Kaye noong taong 2016 sa San Pedro Calungsod Chapel na matatagpuan sa Cebu City. Makalipas ang isang taon ay nabiyayaan ng supling na lalaki ang kanilang pagmamahalan at ipinanganak nga ng aktres si Joaquin noong December 22,2017.
Image source: Instagram/Kaye_abad
Ayon kay Kaye Abad, matagal na nilang gustong sundan si Joaquin kung saan sa isang panayam nga na ginawa niya noong taong 2018 ay sinabi nitong gusto niyang magkaroon ng pangalawang anak na babae.
Image source: Instagram/Kaye_abad
Medyo natagalan ang kasagutan sa kanilang hiling ngunit ganoon pa man, hindi sumuko ang mag-asawa sa pananalangin at mas lalo pa ngang pinaghandaan ang pagdating ng inaasam nilang new baby.
Image source: Instagram/Kaye_abad
Kaugnay nito ay pinagbuti rin ng aktres ang kaniyang kalusugan dahil aminado itong hindi naging madali ang kaniyang pagbubuntis noon sa panganay na anak lalo na at kinailangan niyang maging maingat sa pagkain. Nagkaroon kasi siya ng tinatawag na “gestational diabetes”, isang kondisyon na madalas pinagdadaanan ng mga nagbubuntis na babae.
Image source: Instagram/Kaye_abad
Image source: Instagram/Kaye_abad
Wala ngang mapagsidlan ang saya ni Kaye Abad at agad niyang ibinahagi ang magandang balita sa kaniyang Instagram account kung saan makikitang hawak ng anak na si Joaquin ang sonogram result ng kaniyang supling sa sinapupunan. Ayon pa sa aktres, nananabik na rin daw ang panganay na anak sa pagkakaroon ng kapatid at ngayon ay sinasanay na nila ito sa tawag na “Kuya”.
Image source: Instagram/Kaye_abad
Image source: Instagram/Kaye_abad
Sa ngayon ay abala si Kaye sa pagiging isang full-time mom at bilang nanay, gusto niyang maging hands-on sa pangangailangan ng kaniyang mga anak maging ng asawa nitong si Paul Jake. Dahil nga dito ay mas pinili niyang iwanan ang kinang ng show business upang maibigay ang lahat ng oras para sa pag-aalaga ng kaniyang pamilya.
Image source: Instagram/Kaye_abad
Samantala, hindi pa man ibinahagi ang kasarian ng magiging pangalawang anak nina Kaye Abad at Paul Jake ay marami na ang nananabik na ito ay masilayan.
Image source: Instagram/pauljake_castillo
Sa katunayan, ngayon pa lamang ay kaliwa’t kanan ang natatanggap nilang magagandang mensahe mula sa mga kaibigan at sa kani-kanilang mga fans sapagkat alam nilang magiging kasing-ganda o kasing gwapo ng baby ang kaniyang magagandang magulang.
Image source: Instagram/Kaye_abad
Congrats Kaye and Paul Jake!