Kathryn Bernardo, ipinakita ang kaniyang Dream Studio na regalo ng kaniyang Mommy Min

Napakaswerte nga naman ng aktres na si Kathryn Bernardo dahil bukod sa pagkakaroon ng mga mamahaling sasakyan, bahay at ibang properties ay mayroon na din siya ngayong sariling Studio para sa kaniyang mga photoshoots at work related meetings.


Image courtesy: Youtube/Kathryn Bernardo

Kamakailan nga lamang ay ibinihagi ito ni Kath sa kaniyang Youtube channel kung saan ipinakita niya ang loob ng kaniyang lavish Studio na may modern look.


Image courtesy: Youtube/Kathryn Bernardo



Ayon kay Kath, ang property na ito ay ipinagawa ng kaniyang Mommy Min bilang regalo sa kaarawan. Pangarap daw kasi noon ni Kath na magkaroon isang studio para sa kaniyang mga photoshoots at client meetings sa industriya kaya naman ito ang naisipan na iregalo ng kaniyang Mommy Min lalo na at dagsaan pa din ang mga shoot ni Kath ngayon.


Image courtesy: Youtube/Kathryn Bernardo

Sa ipinakitang tour ni Kath, ang studio na ito ay tila kasing laki na rin ng isang bahay dahil mayroon itong ikalawang palapag at malawak na parking space sa likuran ng studio.


Image courtesy: Youtube/Kathryn Bernardo

Pagpasok pa lamang sa gate ay mayroon na itong garden at patio para sa mga bisita. Paminsan minsan ay ginagamit daw nila ang patio na ito para sa kaniyang mga shoots na kinakailangan ng outdoor scenery lalo na at maganda ang lighting sa area ng studio na ito.




Image courtesy: Youtube/Kathryn Bernardo

Samantala, pagpasok naman sa loob ng studio na ito ay mayroon itong mini lobby at receiving area para sa mga make up artists and photographers. Malawak din ang area na ito sapagkat mayroon din itong dining set para na rin sa kaniyang mga meetings sa mga cliente.


Image courtesy: Youtube/Kathryn Bernardo

Image courtesy: Youtube/Kathryn Bernardo

Well Ventilated ang studio na ito dahil ginamitan ng mga french doors and windows kung saan maraming natural light ang pumapasok upang mas maging maaliwalas ang kabuuang itsura ng studio.


Image courtesy: Youtube/Kathryn Bernardo

Mataas din ang ceiling nito para sa tuwing marami ang tao sa loob ay hindi daw gaanong crowded ang pakiramdam. Mayroon din itong soundproof walls upang mabawasan ang pag-echo ng mga boses sa studio dahil sa sobrang lawak ng espasyo nito.




Image courtesy: Youtube/Kathryn Bernardo

Sa ikalawang palapag naman ay ipinakita din ni Kath ang kaniyang make up room, bathroom at dressing room kung saan dito ang kaniyang preparation area bago ang kaniyang mga photoshoots.


Image courtesy: Youtube/Kathryn Bernardo

Image courtesy: Youtube/Kathryn Bernardo

Ayon kay Kath, ang studio na ito ay hindi lamang para sa kaniya kung hindi para na din sa kaniyang kapwa celebrities na nais magrenta sa tuwing kakailanganin nila ng studio area.


Image courtesy: Youtube/Kathryn Bernardo

Image courtesy: Youtube/Kathryn Bernardo

Talagang pinaganda nila ang loob nito at well maintained ang kalinisan dahil nais ni Kath na ma-preserved ang ganda at linis ng kaniyang studio.


Image courtesy: Youtube/Kathryn Bernardo

Image courtesy: Youtube/Kathryn Bernardo


Laking pasalamat nalang talaga ng aktres na tinupad ng kaniyang Mommy Min ang kaniyang dream studio dahil sobrang useful daw nito lalo na ngayon sa kaniyang trabaho. Ang studio na ito ay binuksan ng aktres sa publiko para sa mga nais mag renta para sa kanilang work shoots.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *