Mayroon mang pandemiya ay tuloy pa rin sa kani-kanilang trabaho ang real-life couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Sa katunayan ay magkasama na naman sila sa bago nilang palabas na “The House Arrest of Us” at talaga namang hindi tumitigil sa pagbibigay ng kasiyahan sa kanilang mga fans.
Image source: Instagram/bernardokath
Sa kabila nito ay hindi nila nakakaligtaang maglaan ng sapat na oras para sa isa’t isa at naghahanap ng paraan para makapag-relax ng magkasama dahil minsan lamang sila makapag bakasyon ng malaya sapagkat limitado lamang ang mga bakasyonista sa ngayon.
Image source: Instagram/meetjoeblack28
Noon pa man ay nakahiligan na ng “KathNiel” ang pamamasyal sa iba’t ibang magagandang lugar sa loob at labas ng bansa dahil nakakatulong ito upang mas lalo silang ma-inspire sa kanilang trabaho bilang artista.
Image source: Instagram/bernardokath
Sa ganitong paraan ay marami rin silang natututunan at mas tumitibay nga ang kanilang relasyon bilang magkasintahan. Noong nakaraang taon ay bumisita sina Kathryn at Daniel sa Boracay upang doon ipag-diwang ang Pasko at salubungin ang Bagong Taon kasama ang buong pamilya ng aktres.
Image source: Instagram/meetjoeblack28
Kaugnay nito, kamakailan lang ay galing na naman ang dalawa sa mala-paraisong lugar ng El Nido Palawan at ngayon naman ay kasama nila ang ilan nilang malalapit na kaibigan at si Mommy Min Bernardo, ina ng aktres.
Image source: Instagram/bernardokath
Ayon kay Kathryn, hindi ito ang unang pagkakataon na nakabisita siya sa lugar ngunit ngayon ay mas nakita niya ang ganda nito lalo na at walang masyadong tao. Sa tulong rin ng kanilang tour guide ay napuntahan nila ang mga pribadong lugar ng isla at na-enjoy ang pagtampisaw sa dagat at pamamasyal sa dalampasigan.
Image source: Instagram/bernardokath
Image source: Instagram/bernardokath
Nanatili sina Kathryn at Daniel sa Angkla Beach Club and Resort at dito nagpalipas ng ilang araw. Para masulit ang maikli nilang pamamalagi sa isla ay iba’t ibang adventure ang kanilang sinubukan.
Image source: Instagram/bernardokath
Image source: Instagram/bernardokath
“So many things to look forward to! Going home with a happy and grateful heart. Thanks to the amazing group that inspired me in so many ways. Cheers to new friendships and better days ahead!” caption ng aktres sa kaniyang ibinahaging mga larawan sa El Nido.
Image source: Instagram/bernardokath
Samantala, agaw-pansin rin ang mga larawan ng aktres sa kaniyang social media posts kung saan makikita ang magandang hubog ng kaniyang katawan habang naka-suot ng itim na swimsuit.
Image source: Instagram/bernardokath
Image source: Instagram/bernardokath
Marami ang humanga sa aktres sapagkat kahit hindi ito masyadong nagpapakita ng kaniyang katawan ay sa simpleng suot nito kitang kita mo ang kaniyang natural na ganda.
Image source: Instagram/bernardokath
Masayang-masaya nga si Kathryn sa maikli nilang “get-away” dahil nakita niya na talaga namang naalagaan ng husto ang isla at mas lalo pang napaganda ang mga natural na kayamanan ng ating bansa.