Madami ng pinagdaanan sa buhay ang dating aktres at ngayo’y tinaguriang “Queen Mother” na si Karla Estrada. Sa ilang dekada niya sa mundo ng show business ay marami na rin siyang nakilalang tao at ang ilan sa kanila ay nagpatibok ng kaniyang puso.
Image source: Instagram/karlaestrada1121
Sa katunayan nagkaroon siya ng magagandang anak dahil sa kaniyang mga naging kasintahan noon. Ganoon pa man, matagal rin siyang na-heart broken at piniling maging single habang hindi niya pa nararamdaman ang pagdating ng kaniyang “the one”.
Image source: Instagram/karlaestrada1121
Kaya naman noong taong 2019 ay nasurpresa ang publiko nang ipakilala ni Karla ang kaniyang non-showbiz boyfriend sa isang episode ng “Magandang Buhay”.
Image source: Instagram/karlaestrada1121
Ang lalaking nagpapasaya ngayon sa dating aktres ay walang iba kung hidni si Jam Ignacio, 39-taong gulang, kilala bilang isang businessman at accountant.
Image source: Instagram/karlaestrada1121
Una silang nagkita sa isang event at pag-aamin ng dalawa ay madalas silang nagkakatinginan noon kaya naman minabuti nilang kilalanin ang isa’t isa. Ayon kay Karla, natutuwa siya kay Jam dahil sa tapang nitong ligawan siya at sa katunayan ay bumisita na kaagad ito sa bahay nila kahit na tatlong araw pa lang silang magkakilala.
Image source: Instagram/karlaestrada1121
Simula nito ay madalas na silang nagkakasama at aminado si Karla na mabilis na nahulog ang kaniyang loob kay Jam dahil sa haba ng panahon ay ngayon lang ulit siya nakakita ng taong ipinaramdam sa kaniyang kung gaano siya ka-espesyal.
Image source: Instagram/karlaestrada1121
Nang tanungin naman si Jam kung ano ang una niyang impresyon sa aktres ay sinabi niyang maganda ito ngunit hindi niya nakita si Karla bilang isang artista at sa halip ay itinuring na simpleng tao kagaya niya. Sa ganitong paraan ay mas lalo niyang napatunayan sa sarili na mahal niya ang aktres hindi dahil sa propesyon nito kung hindi dahil sa totoo niyang pagkatao. Hindi din naging hadlang ang mahabang agwat ng kanilang edad para maipadama nila ang pagmamahal sa isa’t isa.
Image source: Instagram/karlaestrada1121
Image source: Instagram/karlaestrada1121
Samantala, suportado naman ng mga anak ni Karla ang kaniyang desisyon na muling tumanggap ng lalaki sa kaniyang buhay at sa katunayan ay hindi dito tutol ang panganay na anak at aktor na si Daniel Padilla. Alam ng lahat na bantay-sarado ang “Queen Mother” kay Daniel ngunit sa pagkakataong ito ay gusto niya na maging masaya ang kaniyang ina.
Image source: Instagram/karlaestrada1121
Madalas nagkakaroon ng bonding sina Karla at Jam kasama ang kanilang pamilya at bago matapos ang taong 2020 ay bumisita sila sa mala-paraisong isla ng Boracay upang salubungin ang Bagong Taon na magkasama.
Image source: Instagram/karlaestrada1121
Sa ngayon ay masaya ang mga anak ni Karla para sakaniya sapagkat mayroon na muling nagpapasaya sakaniya at nag-aalaga bilang isang babae.