Kakai Bautista, ipinakita ang kaniyang naipatayong Dream House para sa kaniyang pamilya

Kwela at talaga namang bihasa sa pagpapatawa ang aktres at komedyante na si Kakai Bautista. Kaya naman hindi nakakapagtaka na mapasama siya sa mga blockbuster movies na kinabibilangan ng mga batikang artista. Nagkaroon din siya ng mga shows at TV guestings na talaga namang nakatulong upang mas umangat pa ang kaniyang showbiz career.


Image source: Instagram/ilovekaye

Dahil sa mga blessings na ito ay natupad rin sa wakas ang matagal ng pangarap ng aktres na magkaroon ng sariling bahay para sa kaniyang pamilya.


Image source: Youtube/kakaibautista

Tinawag nga ni Kakai na JB house ang ipinapagawang dream house dahil katas daw ito ng kaniyang mga endorsement mula sa isang kilalang fastfood chain at ilang Jolliserye na ginawa niya kasama ang kapwa komedyante na si Eugene Domingo. Nag-loan din siya sa bangko upang masiguro na makumpleto ang lahat ng kaniyang mga kailangan para sa bahay hanggang sa ito ay matapos.


Image source: Instagram/ilovekaye

Sa ngayon ay pansamantalang natigil ang konstraksyon ng bahay ni Kakai dahil na rin sa malawakang pandemiya at nagdesisyon siyang ipahinto muna ang trabaho para na rin sa kaligtasan ng lahat.


Image source: Youtube/kakaibautista

Sa kabila nito ay naniniwala ang komedyante na balang araw ay makakalipat rin sila dito ng kaniyang buong pamilya at tiyak na magiging masaya ang araw na iyon.


Image source: Youtube/kakaibautista

Samantala, naging emosyunal si Kakai nang balikan niya ang dating buhay bago pa man namayagpag ang kaniyang karera sa showbiz. Ilang beses din silang napapalayas at nagpalipat-lipat ng inuupahang bahay dahil sa kakulangan ng budget at halos inakala niya na titira silang mag-anak sa kalye. Ngunit sa kabila nito ay hindi siya sumuko at nawalan ng pag-asa at sa halip ay mas lalong tumibay ang kaniyang pananampalataya sa Panginoon.


Image source: Instagram/ilovekaye

Sa edad nga na 43-years old ay maraming natutunan si Kakai sa buhay at isa na rito ang pagkakaroon ng tamang mindset sa tuwing nahaharap sa anumang hamon.


Image source: Youtube/kakaibautista

Ayon sa kaniya ang mga paghihirap na ating pinagdadaanan ay huwag nating isipin na isang parusa mula sa Diyos kundi ituring natin itong biyaya na makakatulong upang mas lalo tayong maging matibay sa buhay. Sa ganitong paraan ay nakayanan niya ang mga pinagdaanang pagsubok.


Image source: Youtube/kakaibautista

Sa huli ay nagbigay ng payo si Kakai para sa mga netizens at sinabi na walang deadline ang pag-abot natin sa ating mga pangarap. At kahit na ilang taong gulang kana ay pwedeng-pwede ka pa ring mangarap at tiyak na makakamit mo ito kung pagsisikapan mong magtrabaho at maging disiplinado.


Image source: Instagram/ilovekaye

Ipinalala niya rin na ang pananampalataya sa Panginoon ay mahalaga dahil siya lang ang nakakaalam ng ating bukas at mga bagay na makabubuti para sa atin.


Image source: Instagram/ilovekaye

Talaga namang nakaka-inspire ang kwento ni Kakai at tunay nga na hindi imposibleng maabot ang mga pangarap kung ikaw ay walang tigil na nagsusumikap.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *