Matagal ng walang balita patungkol sa aktres na si Julia Montes simula nang magdesisyon siyang iwanan pansamantala ang showbiz at lumuwas ng bansa upang mas lalong makilala ang kaniyang Ama na si Martin Schnittka.
Image source: Instagram/montesjulia08
Matagal ring namalagi ang aktres sa Germany at doon nagkaroon ng pagkakataon para makasama ang Ama at ilan pa niyang kamag-anak. Malaking tulong din ito sa kaniya para makapag-relax at mailayo ang sarili sa mapanuring mata ng mga tao.
Image source: Instagram/montesjulia08
Ngayon ay balik Pinas na si Julia at mayroong bali-balitang gumawa siya ng isang pelikula noong nakaraang taon. Patungkol ito sa kinakaharap nating krisis sa kalusugan at maliban sa drama ay gagampanan niya rin ang ma-aksyon na role kasama ang ilan pang batikang mga aktor.
Image source: Instagram/montesjulia08
Samantala, kamakailan lamang ay isang ikinagulat ng mga netizens na naging guest si Julia sa isang episode sa Youtube vlog ng aktres na si Dimples Romana.
Image source: Youtube/ Dimples Romana Official
Habang abala nga sa kusina at nagluluto ng paboritong pagkain ng aktres na street food ay pinag-uusapan ng dalawa ang kanilang buhay at kung papaano nag-umpisa si Julia sa mundo ng show business.
Image source: Youtube/ Dimples Romana Official
Ayon sa aktres, strikto noon ang kaniyang lola na nagpalaki sa kaniya at sa murang edad pa lamang ay namulat na siya sa realidad ng buhay. Ipinaunawa sa kaniya na kailangan niyang gawin ang mga bagay-bagay upang mayroon silang magamit sa pangaraw-araw na gastusin. Aminado si Julia na sobra ang pagiging mahiyain niya noon ngunit dahil kailangan ay sunod-sunod ang mga ginawa niyang audition para maging isang artista.
Image source: Youtube/ Dimples Romana Official
Pagdating naman sa pera ay napaksinop raw pala ni Julia ultimo bawat centimo ay kaniyang pinahahalagahan sapagkat malaking bagay para sa aktres ang maging wise sa kaniyang finances.
Image source: Youtube/ Dimples Romana Official
“Kada piso importante sakin… So yung alam ko na kada may kikitain kami ay paglalaanan na.. So nakalakihan ko rin siya na everytime may papasok na pera alam ko saan siya nakalaan. Hindi yung basta basta may gusto lang ako bilhin, bibilhin ko na because sumweldo ako,” kwento ng aktres.
Image source: Youtube/ Dimples Romana Official
Image source: Youtube/ Dimples Romana Official
Sa ngayon na kahit hindi na ito gaanong lumalabas sa industriya ay aminado si Julia na mas masaya siya ngayon at naging mas kuntento sa kaniyang buhay. Nakita niya ang kahalagahan ng mga simpleng bagay kagaya ng paggising sa umaga na malakas ang katawan at kumpleto ang kaniyang pamilya.
Image source: Youtube/ Dimples Romana Official
Image source: Instagram/montesjulia08
Ito nga ang kaniyang binabalik-balikan sa tuwing nadadala siya ng mga negatibong bagay sa kaniyang kapaligiran. Masaya rin si Julia dahil alam niya na kahit anuman ang kaniyang pagdaanan sa buhay ay mayroon siyang mga tunay na kaibigan na handang sumuporta sa kaniya kagaya na lamang ng kapwa aktres na si Dimples Romana.
Image source: Instagram/montesjulia08
Image source: Instagram/montesjulia08
Samantala maraming netizens ang natuwa sa pagbabalik-bansa ng aktres at lahat sila ay nananabik na muling makita ang kaniyang talento sa pag-arte.