Laman man ng usapin ang buhay ng aktres na si Julia Barretto ay masaya naman siya ngayong namumuhay mag-isa sa kaniyang newly built house na may magarbong walk in closet na malapit lamang sa bahay ng kaniyang pamilya. Adulting stage na nga ang aktres at mas pinipili niyang magkaroon ng peaceful na buhay kumpara sa kanyang dating buhay noon.
Image source: Instagram/JuliaBarretto
Kaya naman para sa kaniyang positive youtube vlog, ibinahagi nito ang kaniyang napakagandang walk in closet na talaga namang sobrang organized at maaliwalas tignan. Simple lamang ito subalit nagmukha itong elegante sapagkat minimalist ang tema ng kaniyang wardrobe.
Image source: Instagram/JuliaBarretto
Ang kaniyang walk in closet ay isa sa kaniyang paboritong parte ng bahay sapagkat napakalinis nito tingnan at halos lahat ng gamit ay mayroong kaniya-kaniyang lagayan sa loob ng mga kabinet. Ang tanging makikita lamang sa labas ay ang madalas niyang gamitin na bagay kagaya ng Christian Dior travel bag, lipsticks at iba pang accessories.
Image source:Youtube/JuliaBarretto
Image source: Youtube/JuliaBarretto
Samantala, dalawang pinto ang ipinagawa ni Julia papasok sa kaniyang walk-in closet. Ang isa ay mula sa kaniyang kwarto at ang isa naman ay galing sa hallway kung saan dumadaan ang kaniyang mga stylist kapag mayroon silang kailangan sa loob.
Image source: Youtube/JuliaBarretto
Pagpasok ay makikita kaagad ang bag at shoe collection ng aktres na naka-display sa isang kabinet na pinalagyan niya ng puting ilaw at transparent glass. Ganito ang piniling disenyo ni Julia dahil gusto niyang magmukhang botique ang kaniyang walk-in closet at nandoon pa rin yung feeling na para siyang nag-shopping pero kaniya na ang mga gamit.
Image source: Youtube/JuliaBarretto
Image source: Youtube/JuliaBarretto
Kapansin-pansin naman na mahilig ang aktres sa small bags at white sneaker shoes. Ito ang madalas niyang ginagamit sa araw-araw dahil mas komportable siya sa mga ito.
Image source: Youtube/JuliaBarretto
Image source: Youtube/JuliaBarretto
Sa katunayan, wala siyang hilig na mag-invest sa mga designer items lalo na noong nag-uumpisa pa lang ito sa show business. Ngunit dahil nakita niya ang kahalagahan ng pagkakaroon ng quality items na magagamit niya sa kaniyang trabaho ay sinigurado ni Julia na magkakaroon siya ng ilang luxury items pagdating ng panahon.
Image source: Youtube/JuliaBarretto
Sa katunayan, ngayon ay mayroon na siyang collection ng Christian Louboutin heels at naka-display ang mga ito sa hiwalay na kabinet.
Image source: Youtube/JuliaBarretto
Image source: Youtube/JuliaBarretto
Samantala, nagpapasalamat naman si Julia sa Neat Obsessions dahil malaking tulong ito para ma-achieve niya ang dream walk-in closet na minimalist at organized ang dating. Halos lahat nga ng kaniyang mga gamit ay labeled at naka-organize sa mga drawers. Mayroon ding special space si Julia para sa mga sentimental items na hindi niya kayang i-let go kagaya ng damit ng kaniyang Lolo.
Image source: Instagram/JuliaBarretto
Ipinakita rin ng aktres ang kaniyang perfume collections na kaniyang na-kolekta magmula nang ito ay magsimula sa industriya dahil simula bata pa lamang ay mahilig na raw ito sa pabango. Sa katunayan, halos lahat ng klase ng perfume ay mayroon siya at ginagamit niya ang mga ito depende sa kaniyang mood.
Image source: Youtube/JuliaBarretto
Mayroon din siyang iba’t ibang accessories at inamin ni Julia na karamihan sa mga ito ay fashion jewelries lamang.
Image source: Youtube/JuliaBarretto
Kakaunti pa lang ang mga collection niya ng real jewelries dahil wala pa siya sa point ng buhay niya na nahihilig siyang bumili ng mga alahas. Ilan lamang sa kaniyang mga ipinakita ang personalized necklace na bigay ng kaniyang Mommy at ang mga nabili niya tulad ng diamond earrings at designer bracelet.
Image source: Youtube/JuliaBarretto
Talaga namang napaka-aliwalas tingnan ng walk-in closet ni Julia at sumasalamin ito sa kaniyang pagkatao dahil sa paglipas ng panahon ay natutunan niya na pahalagahan ang mga simpleng bagay sa buhay.