Bawat isa ay naghahangad na magkaroon ng isang masaya at buong pamilya. Wala nang mas sasaya pa sa isang tao na makilala at makasama ang taong pinapangarap mong makasama hanggang sa makabuo ng pamilya at hanggang sa inyong pagtanda.
Image courtesy: John Prats | Instagram
Napakasuwerte mo sa pagkakaroon ng isang ganitong klaseng pamilya, masaya, kasama ang mga anak at ipinagdiriwang ang inyong matagal na pag-iisang dibdib na kung saan ay nasubok na ng maraming problemang dumating ngunit dahil sa pagmamahalan niyo sa isa’t-isa ay napagtagumpayan niyo ang mga hamon na dumating sa inyong matatag na pagsasama.
Image courtesy: Isabel Oli | Instagram
Katulad na lamang ng kilala nating celebrity couple na sina John Prats at Isabel Oli na nagdiriwang ngayon ng kanilang ika-anim na anibersaryo ng pagiging mag-asawa.
Image courtesy: Isabel Oli | Instagram
Makikita sa kanilang Instagram post ang kanilang pagbati at mensahe sa isa’t isa sa pagdiriwang ng isa sa pinakaespesyal na araw sa kanilang mag-asawa.
Sa Instagram post ni John Prats ay ibinahagi niya ang isang larawan ni Isabel na makikitang masaya at maganda sa kaniyang puting damit-pangkasal na may kalakip na isang mensahe na ang pinaka masayang araw sa kaniyang buhay ay ang araw na naging asawa niya si Isabel Oli.
Image courtesy: Isabel Oli | Instagram
Saad pa ng aktor na pakiramdam niya ay subrang napakaswerte niya kay Isabel Oli bilang isang kasintahan, asawa at isang matalik na kaibigan.
Image courtesy: Isabel Oli | Instagram
Ayon naman kay Isabel Oli, anim na taong kasal sa kaniyang naging crush. Sinabi rin niya na ang Diyos ay talagang mapagmahal at punong-puno ng sorpresa.
Image courtesy: Isabel Oli | Instagram
Ang mga kapwa artista, pamilya at kaibigan ng mag-asawa ay binati rin silang dalawa sa kanilang napakaespesyal na araw.
Image courtesy: Isabel Oli | Instagram
Kung ating matatandaan, ang dalawa ay ikinasal noong Mayo 2015. At ang kanilang matamis na pagmamahalan ay biniyayaan ng tatlong anak na sina Feather, Freedom at Forest.
Image courtesy: Isabel Oli | Instagram
Si John Paulo Quiambao Prats ay ipinanganak noong Pebrero 14, 1984. Samantalang si Maria Olivia Daytia-Prats naman ay ipinanganak noong Oktubre 20, 1981