Jodi Sta. Maria, ipinasilip ang kaniyang 40th birthday celebration sa Amsterdam

Isa si Jodi Sta. Maria sa may mga blockbuster hit na mga teleserye sa showbiz kaya naman sa galing nito aymadalas siyang mayroong natatanggap na mga projects sa industriya. Kaya naman sa tuwing mayroong pagkakataon ay talagang sinusulit ni Jodi na makapag bakasyon sa ibang bansa kasama ang kaniyang anak.


Image courtesy: Instagram/jodista.maria
Kaya naman para sa kaniyang 40th birthday, nagdesisyon siyang mamasyal sa Europe kasama ang kanyang binatang anak na si Thirdy.




Image courtesy: Instagram/jodista.maria

“I do believe it’s time for another adventure with my favorite travel buddy.”, pagbabahagi nito sa Instagram.

Masayang-masaya ang aktres dahil matapos ang mahabang panahon ng pagtatrabaho sa wakas ay nagkaroon na siya ng oras para mamasyal at mag-relax. Bonus pa nga dahil kasama niya ang kanyang anak sa kauna-unahan niyang Europe trip.


Image courtesy: Instagram/jodista.maria

Walang inaksayang panahon ang mag-ina at agad na nilibot ang mga tourist spots at sinubukan ring kumain sa mga mamahaling restaurant. Sa isang Instagram post ay makikitang nag-enjoy sina Jodi at Thirday sa suot nilang Dutch costume habang nakaupo sa mesa at nagmukhang mga manika.




Image courtesy: Instagram/jodista.maria

Mapapansin nga sa kaniyang mga posts na talagang back to normal na ang mga tourists spots doon dahil napakarami ng mga turista at halos lahat ay wala ng suot na mga facemask habang namamasyal.


Image courtesy: Instagram/jodista.maria

Binisita rin nila ang antique church ng St. Vitus Cathedral at sa bawat pamamasyal ay marami ngang naging realization sa buhay si Jodi.


Image courtesy: Instagram/jodista.maria


“So far, it’s been a great year for me. And as I come across the mid-point of my life, it’s grounded me in new ways. Had to learn and unlearn certain things. Love and let go of situations and people. Ignore noises and live a life that’s empowering to me,” caption nito sa kaniyang Instagram post.





Image courtesy: Instagram/jodista.maria

Samantala, ipinagdiwang ng aktres ang mismong kaarawan sa Prague, Czech Republic noong June 16 at isa ito sa mga memorable experience niya kasama ang anak. Kwento pa ni Jodi, masarap daw kasama si Thirday dahil walang kaarte arte kahit na maghintay ng matagal sa mga pila dito.


Image courtesy: Instagram/jodista.maria

Sunod-sunod ang kanyang mga natanggap na mensahe mula sa mga fans at kaibigan at dahil dito ay patuloy na nararamdaman ng aktres na maraming tao ang nagmamahal sa kanya. Agad naman itong nagpasalamat sa lahat ng nakaalala at bumati sa kaniya at sa huli ay hindi rin nakalimutang mag-iwan ng isang magandang mensahe para sa mga netizens na nakasubaybay sa kaniya.


“Stay calm and realize it’s okay to not have everything figured out.”, palala ng 40 year old aktres sa mga kagaya niyang nakakaranas minsan ng bagyo sa buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *