Nagsimulang makilala si Joaquin Domagoso dahil sa kaniyang napakagwapong aura na kaniyang namana sa kaniyang Tatay na si Mayor Isko Moreno na siyang nakapagbigay ng tyansa na makapasok din sa mundo ng showbiz. Kaya naman inaabangan ng lahat ang lovelife ni Joaquin sapagkat alam nilang swerte ang kaniyang magiging nobya dahil sa kaniyang good looks at charming personality.
Image castro: Instagram/jdomagoso
Subalit noong nakaraang mga buwan ay naging laman ng usap-usapan sa media si Joaquin lalo na noong napabalitaan na nabuntis raw nito ang kaniyang nobya na kapatid ng isang Kapuso celebrity na si Claire Castro.
Image castro: Instagram/jdomagoso
Walang opisyal na pagkumpira si Joaquin tungkol sa balitang ito subalit hindi rin niya ito itinatanggi. May iilang mga netizens na nakita ang aktor sa isang 0spital kung saan dinalaw nito ang kaniyang nobya noong ipinanganak ang kanilang baby boy nakaraang April 28 sa FEU Mdical Center sa Quezon City.
Image castro: Instagram/jdomagoso
Nakilala ang kaniyang girlfriend na si Raffa Castro, kapatid ng isang Kapuso Star na si Claire Castro. Lumabas ang blind item na ito at tuluyang kinumpirma ito ni Cristy Fermin sa kaniyang programa at post sa media.
Sa kaniyang radio program na ‘Cristy Ferminute’, ibinahagi nito ang isang mensahe kung saan inilantad niya ang katotohanan patungkol sa pagbubuntis ni Raffa.
“Lolo na po si Mayor Isko Moreno. Dahil po sa lumabas na kwento nung kasagsagan ng kampanya hanggang eleksy0n na hindi po nila kinontra at hindi rin po sinang ayunan… Heto po ipinanganak na po ang baby ni Joaquin Domagoso na kamukhang-kamukha raw ni Mayor. Batang lalaki na pinangalan nilang Scott… Nakakatuwa, lolo na si Yorme,” pagbabahagi ni Cristy Fermin.
Image castro: Instagram/jdomagoso
“Napaka cute raw po ng baby ni Joaquin Domagoso, ang tambok ng pisngi, ang taas ng ilong at ang guwapo-guwapo,” dagdag pa nito.
Image castro: Instagram/jdomagoso
Ayon pa kay Cristy Fermin, hintayin na lamang raw natin ang mismong pahayag ni Joaquin patungkol sa kaniyang nobya at sa kaniyang baby boy. Subalit panigurado daw na kamukhang kamukha ito ni Isko at nakuha niya ang good looks ng kanilang angkan.
Image castro: Instagram/jdomagoso
Nagulat man ang marami pasabog na ito, marami pa rin ang sumusuporta kay Joaquin at naniniwalang magiging isang mabuting Tatay din ito sa kaniyang baby.
Congrats Joaquin Domagoso!