Jinkee Pacquiao, may mga kakaiba at mamahaling collection ng mga halaman sa kaniyang mansion

Bawat isa sa atin ay may kaniya-kaniyang hilig na gawin. Paminsan-minsan naman ang gawaing ito ay nagiging stress reliever natin o pagtanggal natin ng pagod. Ang gawain ngang ito ay nagbibigay satin ng kalibangan at kasiyahan sa buhay.




Tulad nalang nga ng maybahay ng ating pambansang kamao na si Jinkee Paquiao kung saan isa sa kaniyang naging libangan ay ang pagkakaroon ng mga magagandang halaman sa kaniyang hardin.


Image courtesy: Instagram/jinkeepacquiao

Kung maaalala nga natin ay nitong panahon ng pandemya kung saan nagkaroon tayo ng lockdown nagsilabasan at bumenta ang mga kakaibang mga halaman.


Image courtesy: Instagram/jinkeepacquiao



Binansagan pa ngang “Plantita at Plantito” ang mga taong nahilig sa mga halaman nung panahon na iyon. Hindi na rin nakapagtataka kung bakit isa ito sa mga naging hilig ni Jinkee Paquiao dahil kung makikita mo ang kaniyang mga halaman ay talagang mamamahanga ka sa ganda at laki ng mga ito.


Image courtesy: Instagram/jinkeepacquiao

Hinangaan nga ng mga personalidad sa showbiz ang koleksyon ng mga magaganda at naglalakihang halaman ni Jinkee Paquiao dahil ang iba talaga ay sobrang mahal ng mga ito.


Image courtesy: Instagram/jinkeepacquiao

Hindi naman nagdalawang isip si Jinkee na ipasilip ito sa publiko dahil madalas niya itong i-share sa kaniyang Instagram account. Ang kagandahan ng pagkakaayos ng mga halaman at bulaklak ni Jinkee ay obra ng isang bihasa sa larangang ito.


Image courtesy: Instagram/jinkeepacquiao




Siya ay si Roy Bacalso, 42 taong gulang at isang landscape artist sa Green Style Landscape and Design. Si Roy nga ay 10 taon nang nagpapaganda at nag-aalaga ng mga halaman ng pamilya Paquiao sa General Santos City.


Image courtesy: Instagram/jinkeepacquiao

Ayon pa nga kay Roy sa pagpaniyam sa kaniya, ipinagkatiwala raw sa kaniya ng mag-asawang Paquiao ang pagtatrabaho sa kanilang mga halaman. Kwento pa nito na ang madalas na katuwang niya sa pag-aalaga ng mga halaman ni Jinkee ay si Manny kung mayroon itong free time.


Image courtesy: Instagram/jinkeepacquiao

Si Roy din umano ang nagtanim sa garden ni Jinkee sa isang napakamahal na halaman at sikat na sikat na tinatawag na variegated Alocasia elephant ear na nagkakahalaga ng P25,000 bawat isa.


Image courtesy: Instagram/jinkeepacquiao

Maging ang iba pang mamahaling mga halaman na makikita rito ay siya rin daw ang nagtanim. Kung makikita mo nga sa post ni Jinkee Paquiao sa kaniyang social media account ay maaliwalas tignan ang kaniyang garden at talagang maganda ang landscaping nito.


Image courtesy: Instagram/jinkeepacquiao



Halos lahat ng kaniyang mga property, mula sa GenSan hanggang sa mga kanilang mga beach property at bahay sa Manila ay talagang merong mga mamahaling halaman sa loob at labas ng bahay. Ito raw ay isang past time at collection na ni Jinkee kaya naman talagang hindi niya pinapalampas na walang halaman sa kaniyang bahay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *