Nararapat sa mga bata ang tamang paggabay ng magulang at striktong disiplina kung kinakailangan. Sa ganitong paraan ay natututo sila kung ano ang mainam na pag-uugali at kung ano ang tama at hindi. Kaya naman makikita mo agad sa isang bata kung lumaki siya sa tamang asal, ibig sabihin nito ay maayos siyang ipinalaki ng kaniyang mga magulang.
Katulad na lamang ng tamang pagpapalaki nina Manny Pacquiao at Jinkee Pacquiao sa kanilang mga anak. Kilala ang pamilya na ito bilang isa sa pinakamayaman na mga personalidad sa Pilipinas, subalit kahit ganoon man ay ni minsan hindi ipinakita ng pamilya Pacquiao sa kanilang kapwa na sila ay nakaka-angat sapagkat nananatiling down to earth ang mga ito.
Image source: Instagram/jinkeepacquiao
Image source: Instagram/jinkeepacquiao
Kaugnay nito, ganoon na lamang ang pasasalamat ng panganay na anak nina Manny at Jinkee na si Jimuel Pacquiao sa kaniyang mga magulang dahil sa maayos na pagpapalaki at disiplina nila sa mga bata.
Image source: Instagram/jinkeepacquiao
Image source: Instagram/jinkeepacquiao
Bilang panganay na anak ay nasubaybayan ni Jimuel ang paglago ng karera ng kaniyang Ama at lumaki man siya sa maginhawang buhay ay naipaunawa pa rin ng kaniyang mga magulang kung ano hirap na kanilang pinagdaanan noon.
Image source: Instagram/jinkeepacquiao
Image source: Instagram/jinkeepacquiao
Dahil dito ay natuto siya kung papaano pahalagahan ang bawat biyaya na natatanggap sa kabila ng katotohanan na sila ay mayaman. Habang lumalaki ay halos naibibigay ang lahat ng kaniyang hinihingi at may pagkakataon pa nga na higit dito ang kaniyang mga natatanggap, pero kasabay nito ay tinuruan din silang magpasalamat sa lahat ng biyaya na kanilang tinatanggap kahit maliit man o malaki.
Image source: Instagram/jinkeepacquiao
Image source: Instagram/jinkeepacquiao
Image source: Instagram/jinkeepacquiao
Sa katunayan, noong nakaraan niyang kaarawan ay nakatanggap siya ng sports car na regalo mula sa kaniyang Ama pero nanatili itong down to earth at appreciative sa kaniyang mga magulang. Maging sa pag-eensayo noon ni Jimuel sa kaniyang boxing career ay naging humble lamang ito kahit na ‘Pambansang Kamao’ ang kaniyang Ama.
Image source: Instagram/jinkeepacquiao
Image source: Instagram/jinkeepacquiao
Isa rin itong mabait na Kuya sa kaniyang mga kapatid lalo na sa kaniyang mga younger sisters sapagkat sobrang protective nito pagdating sa kanila. Mapapansin mo sa mga youtube vlog ng kaniyang mga kapatid na sobrang soft spoken niyang Kuya at madalas makipagbonding sa mga ito.
Image source: Instagram/jinkeepacquiao
Image source: Instagram/jinkeepacquiao
Image source: Instagram/jinkeepacquiao
Masasabi ngang maayos ang pagpapalaki kay Jimuel ng kaniyang mga magulang at sa kabila ng karangyaan sa buhay ay hindi ito nagmamayabang sa halip ay gumagawa ng mabuti para sa kapwa.