Family-oriented ang aktres na si Jasmine Curtis at lumaki siya sa Melbourne, Australia kasama ang kaniyang magulang at mga kapatid. Sa katunayan, kahit nagtatrabaho na ito sa Pilipinas bilang artista ay hindi niya kayang malayo sa mga mahal sa buhay at talagang gumagawa ng paraan para magkita sila ng personal.
Image source: Instagram/jascurtissmith
Mabuti nalang at nandito sa bansa ang kaniyang Ate na si Anne Curtis kaya naman kahit papaano ay nababawasan ang lungkot na kaniyang nararamdaman.
Image source: Instagram/jascurtissmith
Sinisigurado ni Jasmine na makabalik ng Melbourne ng kahitt isang beses lamang sa isang taon para makita si Mommy Carmen at nakababatang kapatid na si Thomas.
Image source: Instagram/carmcurtissmith
Malaking tulong ito para magkaroon sila ng bonding bilang pamilya at maganda rin para sa kaniyang mental health.
Image source: Instagram/jascurtissmith
Noong nakaraang taon ay muling bumalik ng Australia si Jasmine para makita ang bagong miyembro ng kanilang pamilya na si Dahlia AmeliƩ. Masayang-masaya ang aktres dahil buo na naman ang kaniyang pamilya at nagkaroon pa siya napaka-cute na pamangkin. Ngunit dahil sa tawag ng trabaho ay kinailangan niyang bumalik agad ng Pilipinas.
Image source: Instagram/jascurtissmith
Mag-isang na-lockdown sa bansa si Jasmine samantalang magkasama naman sa Australia ang kaniyang Mommy at Ate Anne. Dahil dito ay lubos na nabahala ang aktres sa kaniyang sitwasyon at sa loob nga ng halos isang taon ay nakaranas siya ng sobrang kalungkutan.
Image source: Instagram/jascurtissmith
Sa katunayan, aminado ang aktres na humingi na siya ng tulong sa mga eksperto upang maiwasan ang paglala ng sitwasyon. Nakatulong din ang lagi niyang pakikipag-usap sa kaniyang pamilya sa pamamagitan ng video call at paghanap ng mga libangan na maari niyang magawa habang nasa loob ng bahay.
Image source: Instagram/jascurtissmith
Hindi nga sanay si Jasmine na malayo sa kaniyang pamilya kaya naman lubos siyang naapektuhan nang ipatupad ang malawakang lockdown dahil sa banta sa ating kalusugan.
Image source: Instagram/jascurtissmith
Samantala, nagbigay naman si Jasmine ng payo sa mga netizens na kagaya niyang nakakaranas ng matinding kalungkutan. Ayon sa kaniya, walang masama na humingi ng tulong lalo na sa mga eksperto dahil sila ang nakakaalam kung papaano ka magkakaroon ng kontrol sa iyong emosyon.
Image source: Instagram/jascurtissmith
Image source: Instagram/jascurtissmith
Sa ngayon ay hindi pa rin personal na nakikita ni Jasmine ang kaniyang Mommy Carmencita ngunit tanggap na niya ang sitwasyon at wala siyang ibang wish kundi ang maging ligtas ito sa lahat ng oras.