Si Janice de Belen ay isa sa mga batikang aktres na sa loob ng mahabang panahon ay malaki ang naibahagi sa paglago ng industriya ng show business. Maliban sa galing sa pag-arte ay mayroon din siyang talento pagdating sa pagluluto na natutunan niya habang lumalaki. Kaya naman naisipan nitong gumawa ng kaniyang sariling vlog upang doon maibahagi ang kaniyang galing sa pagluluto.
Image source: Instagram/super_janice
“My mom made sure that we children do our share of household duties like cooking.”, pagbabahagi nito sa isang interview.
Image source: Youtube/super janice de belen
Sa kagustuhang magkaroon ng mas malalim na kaalaman sa pagluluto ay kumuha siya ng kursong Culinary Arts sa Center for Asian Culinary Studies sa ilalim ng pagtuturo ni Chef Gene Gonzales. Nang magtapos ay nagtayo siya ng sariling negosyo na binigyan niya ng pangalang “Kitchen of Super Janice”.
Image source: Instagram/super_janice
Samantala, sa isang YouTube vlog ng aktres ay ipinakita niya ang kamangha-manghang kusina kung saan madalas siyang magpalipas ng oras. Kapansin-pansin na halos lahat ng gamit ni Janice sa pagluluto ay kumpleto mula sa machines hanggang sa kaniyang mga kitchen utensils.
Image source: Youtube/super janice de belen
Image source: Youtube/super janice de belen
Ayon sa kaniya, dati raw ay ayaw na ayaw niya sa mga taong tinatakpan ng tela ang mga kagamitan subalit ng dumami ang kaniyang koleksyon sa kaniyang kitchen ay unti unti nitong na-realize na kinakailangan palang takpan ang mga ito upang hindi magkaroon ng alikabok na siyang sisira sa mga appliances.
“Importante kasi sa akin na nakikita ko ‘yung mga gamit ko. Kasi kung ‘di ko makikita, hindi ko maaalala na andiyan siya.”, pagpapaliwanag ng aktres.
Image source: Instagram/super_janice
Maliban dito, gusto ni Janice ang ganitong set-up dahil naiiwasan niya ang paulit-ulit na pagbili ng gamit at dahil nga nakalabas na ang halos lahat ng kailangan, hindi na siya nagtatawag pa ng katulong para mahanap ang mga ito.
Ilan lamang sa makikitang kagamitan sa kaniyang malawak na kusina ay ang iba’t ibang uri ng makina na ginagamit niya sa pagluluto kagaya ng pasta maker, ice cream maker, grillers, at steamers na tila mamahalin dahil heavy duty ang mga ito.
Image source: Youtube/super janice de belen
Image source: Youtube/super janice de belen
Sa taas na bahagi naman ay naka-display ng maayos ang mga koleksiyon niya ng tasa na karamihan ay bigay sa kaniya. Ipinasilip din ni Janice ang kaniyang pantry area kung saan nakatago ang lahat ng ingredients at supplies na ginagamit niya sa pagluluto.
Image source: Youtube/super janice de belen
Image source: Youtube/super janice de belen
Samantala, ang mga gunting, salaan, sandok at iba pang maliliit na gamit ay mas gusto niyang nakasabit sa ilalim ng hanging cabinet upang mabilis niya itong makita kapag kailangan niya. Mayroon din siyang hiwalay na refrigerator para lamang sa kaniayng mga dairy products kagaya ng cheese at butter dahil madalas mapanis ang mga ito at ayaw niyang maihalo sa ibang ingredients.
Image source: Youtube/super janice de belen
Image source: Youtube/super janice de belen
Image source: Youtube/super janice de belen
“You have to know what you have. Minsan, I have to remember what I have. It’s always important for me to review.”, payo ng aktres bago matapos ang kaniyang vlog.
Image source: Youtube/super janice de belen
Marmaing netizens ang namangha sa kaniyang kitchen dahil para daw itong kusina ng isang tunay na chef. Napaka swerte lamang talaga ni Janice sapagkat nabibili niya ang mga iba’t ibang klase ng kitchen appliances na ito at ang iba naman ay kusang inireregalo sakaniya ng kaniyang mga kaibigan at pamilya.