Hindi naging madali ang pagiging ama ni Jake Ejercito sa kaniyang anak dahil nangyari ito ng biglaan at hindi niya inaasahan. Wala rin siya sa bansa nang ipanganak ni Andi Eigenmann ang anak nilang dalawa at hindi kaagad nito nagawang makauwi ng Pilipinas para gampanan ang responsibilidad niya sa bata.
Image source: Instagram/unoemilio
Dahil dito ay naging negatibo ang tingin sa kaniya ng publiko at hindi maiwasang maging laman ng usap-usapan ang relasyon at hiwalayan nila ng aktres.
Image source: Instagram/unoemilio
Image source: Instagram/unoemilio
Kaya naman nang makabalik ng bansa makalipas ang mahabang panahon ay puspusan ang ginagawang paraan ni Jake upang mapalapit sa anak sa pamamagitan na rin ng malinaw na usapan nito sa dating kasintahan.
Image source: Instagram/unoemilio
Pagpapatawad sa isa’t isa at komunikasyon ang naging susi nina Andi at Jake upang magampanan ang kanilang responsibilidad sa anak na si Adrianna Gabrielle Eigenmann o mas kilala sa tawag na Ellie.
Image source: Instagram/unoemilio\
Image source: Instagram/unoemilio
Ngayon nga ay unti-unti nilang natutunan ang tinatawag na “modern co-parenting” at talaga namang naglaan ng panahon upang mapagusapan ang mga bagay na makabubuti para kay Ellie.
Image source: Instagram/unoemilio
Nakatira pa rin ang bata sa aktres at every other week ay nagkikita sila ng Ama para mag-bonding at mayroon ding panahon sa isa’t isa sa tuwing mayroong espesyal na okasyon.
Image source: Instagram/unoemilio
Makikita naman sa Instagram account ni Jake Ejercito ang ilang bagay na ginagawa nilang mag-ama kagaya na lamang ng paglalaro ng video games, pag-ehersisyo, swimming at pati na rin ang pagsabay sa mga kilalang Tiktok moves na talaga namang inaabangan ng mga netizens.
Image source: Instagram/unoemilio
Tumutulong din si Jake sa mga school projects ni Ellie kagaya na lamang ng painting artworks nito. Hindi nga maikakaila na nag-click kaagad ang dalawa kahit na matagal silang hindi nagkasama.
Image source: Instagram/unoemilio
Ayon kay Jake, bigla siyang nag-mature nang dumating si Ellie sa buhay niya at maraming bagay ang kaniyang natutunan. Mas lalo siyang naging sensitibo at maingat sa paggawa ng mga desisyon lalo na at wala siyang ibang hangad kundi ang kabutihan ng anak.
Image source: Instagram/unoemilio
Saludo rin siya sa pagiging ina ni Andi simula pa noon at natutuwa siya dahil ngayon ay magkasundo sila sa iisang layunin na makitang masaya si Ellie sa lahat ng kaniyang ginagawa.
Image source: Instagram/unoemilio
Samantala, welcome na welcome naman sa pamilyang Ejercito ang unica-hija na si Ellie dahil nag-iisang babae siya sa limang apo at parang prinsesa nga ang turing ng buong pamilya ni Jake sa kaniya.
Image source: Instagram/unoemilio
Image source: Instagram/unoemilio
Dahil nga sa kaniyang mga ginagawang paraan upang mapalapit sa anak ay marami ang humanga kay Jake Ejercito at nito lamang nakaraan ay naging cover silang dalawa ni Ellie sa isang kilalang magazine.
Image source: Instagram/unoemilio
Image source: Instagram/unoemilio
Laman nito ang mga nakakatuwa nilang larawan at kwento patungkol sa kanilang mag-Ama at kakaibang set-up bilang isang modernong pamilya.
Image source: Instagram/unoemilio
Sa ngayon ay unti-unti na ngang nag-iba ang pananaw ng mga netizens kay Jake Ejercito at sa katunayan ay lubos siyang hinahangaan sa paraan ng disiplina at pagpapalaki niya kay Ellie.