Isa sa may pinakamabuting puso na vlogger sa Pilipinas ay ang sikat na vlogger na si Ivana Alawi. Bukod kasi sa kaniyang kwelang content ay mapagbigay din ito pagdating sa ibang tao kung saan madalas niyang ibahagi ang kaniyang blessings na natatanggap sa dami nitong viewers.
Image source: Youtube/Ivana Alawi
Sa katunayan, kamakailan lamang ay mga delivery man naman ang kaniyang nahandugan ng kaniyang biyaya. Ayon kay Ivana, ang mga rider na ito ang isa sa mga bayani ngayong panahon ng krisis kaya naman nais niya silang mapasaya. Nais rin nitong bigyan ng biyaya ang mga riders na madalas nabibiktima ng mga fake buyers.
Image source: Youtube/Ivana Alawi
“Yung reason talaga kung bakit ko ‘to ginagawa is because marami akong nakikita na scammer na mga tao na akala nila nakakatawa na pagtripan nila ang mga driver na nagpapakahirap magtrabaho.”, pagbungad nito sa kaniyang vlog.
Image source: Youtube/Ivana Alawi
Mahilig rin mag-order sa online ng mga pagkain si Ivana at dahil dito ay naging malapit ang kaniyang puso sa masisipag na riders kaya naman espesyal sa kaniya ang vlog na ito.
Image source: Youtube/Ivana Alawi
Siya mismo ang naghanap ng walong helmet na ipamimigay niya at maliban dito ay naghanda rin ng kaunting palaro kung saan makasagot man ng tama o hindi ay mananalo pa rin ng tumatanginting na 10,000 pesos ang mga riders na kaniyang matatawagan.
Image source: Youtube/Ivana Alawi
Image source: Youtube/Ivana Alawi
Upang maging matagumpay ang kaniyang plano ay gumamit siya ng ibang numero at pangalan para hindi siya makilala ng mga ito. Magkahalong emosyon nga ang naramdaman ng mga riders nang papiliin sila ng helmet at mabigyan ng instant cash prize ng aktres.
Image source: Youtube/Ivana Alawi
Lahat sila ay umuwi ng may ngiti sa mga labi at abo’t-langit na nagpasalamat sa biyayang hatid ng anghel na si Ivana dahil sa perang kaniyang ibinahagi.
Samantala, nagbigay rin ng payo si Ivana sa kaniyang viewers upang matigil na ang paggawa ng hindi maganda sa mga riders na naghahanapbuhay para sa kanilang pamilya. Marami kasing mga fake buyers na nag-oorder at hindi binabayaran ang kanilang inorder kung saan sa rider nakakaltas ang perang ito.
Image source: Youtube/Ivana Alawi
“Maraming way na maglokohan kayo pero huwag mong pagtripan ang isang tao na nagtatrabaho nang marangal. Kaya ako, I’ll try to help in my own small way.”, dagdag pa ni Ivana.
Image source: Youtube/Ivana Alawi
Hindi nga maiwasan ng ilang netizens na mag-komento ng “sana all” at ang ilan naman ay talagang hinangaan si Ivana sa pagkakaroon niya ng pusong mapagmahal sa kapwa.