Ivana Alawi, ipinasilip ang loob ng kaniyang eleganteng customized Van na kaniyang pinaghirapan

Bilang isang celebrity, hindi maiwasan na maging abala ang aktres na si Ivana Alawi sa kaliwa’t kanang taping at mga endorsement shooting. Bago nga magkaroon ng pandemya ay madalas nasa labas siya ng bahay at palipat-lipat ng location para sa mga ginagawa niyang pelikula at soap opera.


Image source: Youtube/Ivana Alawi



Dahil dito ay hindi maiwasan na ma-stuck siya sa traffic o di kaya naman ay ilang araw na walang maayos na tulog dahil hindi kaagad nakakauwi ng bahay. Kaya naman minabuti niyang mag-invest sa isang mamahaling sasakyan na kilala sa tawag na “celebrity van”.


Image source: Youtube/Ivana Alawi

Bumili nga si Ivana ng Toyota Hiace Super Grandiana noong 2018 at para mas lalo itong gumanda ay pina-customized niya ito kay Atoy Llave na may-ari ng Atoy Customs, isang service center na kilala sa pagpapaganda ng sasakyan ng mga artista.


Image source: Youtube/Ivana Alawi

Ayon sa aktres, napili niya ang unit na ito dahil swak na swak ito sa kaniyang pangangailangan at maaari ring magamit ng buo niyang pamilya. Mayroon itong dalawang executive chairs na may footrests, rear chair at sofa bed na ginagawa niyang higaan para makatulog ng maayos.




Image source: Youtube/Ivana Alawi

Samantala, ang bubong naman nito ay pina-customized niya rin at ginawang stary-stary night ang dating. Tuwang-tuwa dito ang aktres dahil nagpapalit ito ng kulay at nakaka-relax tingnan.


Image source: Youtube/Ivana Alawi

Nagpalagay rin si Ivana ng vanity mirror para hindi siya mahirapang mag-ayos lalo na kapag mayroong shooting. Doon na rin siya kumakain sa loob ng van kaya naman mayroon itong fully adjustable table at mini cabinet na pinaglalagyan ng kaniyang mga utensils at make-up kit.


Image source: Youtube/Ivana Alawi


Para naman hindi maging boring sa byahe ay nagpalagay si Ivana ng 24-inch Samsung TV sa likod ng driver seat at mayroon itong partner na Samsung soundbar kaya naman enjoy na enjoy niya ang panonood ng paborito niyang pelikula at pakikinig ng music.


Image source: Youtube/Ivana Alawi

Samantala, tuwang-tuwa naman ang mga netizens dahil napaka-kwela ni Ivana at talaga namang wala itong arte at ipinakita pa ang ilang natatagong gamit sa loob ng kaniyang van tulad nalang ng kulay asul na arenola. Malaking tulong ito sa aktres lalo na kapag mayroon silang mahabang byahe dahil hindi na niya kailangan pang maghanap ng mga gas station o restaurants para lang maka-ihi. 


Image source: Youtube/Ivana Alawi

Hindi rin mawawala dito ang iba’t ibang pagkain tulad ng chocolates at junk foods na itinatago niya sa ilalim ng kaniyang sofa bed. Sa dami nga nito ay nagbiro si Ivana na mayroon siyang sari-sari store sa loob ng van.


Image source: Youtube/Ivana Alawi

Hindi naman maiwasang maging emosyunal ni Ivana at nalungkot siya ng bahagya dahil sa ngayon ay wala siyang mga taping kaya naman hindi niya gaanong nagagamit ang sasakyan.




Image source: Youtube/Ivana Alawi

Samantala, ibinuking naman ng kapatid niyang si Hashim na simula nang magkaroon ng van ang kaniyang ate ay hindi na ito bumili ng sariling kotse.


Image source: Youtube/Ivana Alawi

Ayon sa aktres, namana niya ang ugali ng kaniyang ama pagdating sa paghawak ng pera kaya naman hindi siya kaagad-agad bumibili ng mga materyal na bagay para sa sarili at mas pinipili ang pagtulong sa mga nangangailangan.


Image source: Youtube/Ivana Alawi



Kaya naman itong van niyang ito ay kaniya munang sinusulit sapagkat mahal na mahal niya ito at alam niyang ibinuhos niya ang kaniyang pagod upang makamit at mabili ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *